Jesus said to his disciples: «Take care not to perform righteous deeds in order that people may see them; otherwise, you will have no recompense from your heavenly Father.
When you give alms, do not blow a trumpet before you, as the hypocrites do in the synagogues and in the streets to win the praise of others. Amen, I say to you, they have received their reward.But when you give alms, do not let your left hand know what your right is doing, so that your almsgiving may be secret. And your Father who sees in secret will repay you. When you pray, do not be like the hypocrites, who love to stand and pray in the synagogues and on street corners so that others may see them. Amen, I say to you, they have received their reward. But when you pray, go to your inner room, close the door, and pray to your Father in secret. And your Father who sees in secret will repay you.
When you fast, do not look gloomy like the hypocrites. They neglect their appearance, so that they may appear to others to be fasting. Amen, I say to you, they have received their reward.
But when you fast, anoint your head and wash your face, so that you may not appear to be fasting, except to your Father who is hidden. And your Father who sees what is hidden will repay you.
Reflection: Lent: Bringing ourselves to the cross
Sa araw pong ito ay sinisimulan na natin ang kuwaresma, o ang apatnapung (40) araw ng pag - aayuno at abstinensya. Ito rin ay panahon ng paggunita sa pagpapakasakit at pag aalay ng buhay ng ating Panginoon at paghahanda sa Pasko ng muling pagkabuhay. Ang Kuwaresma ay nagsisimula sa pagpapahid ng mga abo sa ating mga noo bilang tanda ng ating pinagmulan at ang magiging kawakasan. Ngunit mga kapatid, patuloy na ipinababatid ng Diyos sa atin ng kahit tayo ay marumi at makasalanan tulad ng abo, tayo ay kaniyang minahal at pinag - alayan ng buhay para lamang sa ating kaligtasan. Kaya naman, ang mga abong ito ay tanda na dapat tayong magpakumbaba, manalangin at magpakabanal. At ang pagiging mapagkumbaba at banal ay hindi tungkol sa pagmamalaki at pagpapakitang tao lamang, bagkus dapat itong makita sa puso at espirito, hindi sa panlabas na kaanyuan lamang. Ang maganda po sa kuwaresma ay tahimik ang mga batikang chismosa sa parokya. Lahat po ay namamahinga. Ate eto pa po ang nakakainis sa ating mga Pilipino tuwing papasok ang kuwaresma, lahat po tayo ay nagpapgalingan. Sasabihin ng isa, "Ako tatlong beses akong nagrorosaryo sa isang araw" at babanat naman ang isa "Ako, limang beses akong nagrorosaryo, hangga't hindi bumubula bibig ko sa pagrorosaryo hindi ako titigil!" Meron naman pog isang ale na nagsabing "Araw araw akong nagsisimba" at sasabatan ng isa "Ako lahat ng misa sa aming parokya sa buong araw sinisimbahan ko, hangga't di ako nadighay sa kakain ng ostsa di ako titigil!" Nakakatawa di ba mga kapatid? Ngunit ito po ay realidad, tuwing kuwaresma lahat tayo nagpapagalingan, patagalan lumuhod, patagalan magdasal, patagalan magsimba kahit masarahan na ng simbahan. Kaya nga nais iparating sa atin ng Diyos na isabuhay natin ang ating mga ginagawa hindi yung pakitang tao lang tayo. Padasal dasal nga kayo, batikang chismosa pa rin kayo. Padasaldasal kayo, may kaaway naman kayo... Padasaldasal kayo, kapag naman nasingitan kayo sa pila sa CR kung ano ano ang sinasabi ninyo. Kaya nga patuloy sa ating ipinapaabot sa araw na ito na isa ka lamang abo, isang makasalanan, huwag kang magmalaki at magumpisa kang magsisi ng iyong kasalanan. Ang kuwaresma ay tungkol sa pag iwas sa tukso! Napakarami pong tukso sa panahong ito. Sasapagkat alam ng demonyo ang ating mga kahinaan. Kaya nga ibinibigay sa atin ang mga paraan upang makaiwas tayo sa tukso. Nandyan ang fasting at pananalangin. Ang fasting po ay hindi lamang sa pagkain, maari itong gamitin sa mga bagay na nakugalian natin o mga luho natin. Kung mahilig kang magcellphone, ngayong panahon ng kuwaresma, bawasan mo ang pagloload, magfb ka nalang! Kung madali kang kang manuod ng sine, bawasan mo may pirated naman! haha Mga kapatid, napakaraming tukso sa mundong ito kaya tinatawag tayo upang kontrolin ang ating mga sarili, kaya importanteng kilala mo ang iyong sarili, alam mo ang iyong kahinaan ng sa ganun, maipagdasal mo na ang kahinaan mong ito ay maging kalakasan mo sa tulong ng biyaya ng Panginoon.
Sa panahon pong ito, nawa lahat ng ating gagawin ay magdala sa atin sa krus ni Hesus. Sabi nga po sa aking tema ngayong Kuwaresma, Lent: Bringing ourselves to the cross. Ilapit natin ang ating sarili sa krus, ang simbolo ng pagpapakasakit at pagliligtas ni Kristo sa sangkatauhan. Nawa, hindi lamang natin titigan si Hesus na nagbubuhat ng krus, bagkus, makasama natin siya sa pagbubuhat din ng krus para sa ibang tao. Magsisi ka at manampalataya sa mabuting balita, ang pagsisi ay kaakibat na pagsasakripisyo at ang pananampalataya sa mabuting balita ay may kaakibat na kabanalan ng puso, isip at buong katauhan. Kaya ngayon, itanong natin sa ating sarili, ano nga ba ang dapat kong baguhin? Ano ang dapat kong talikdan? Ano ang dapat kong pagsisihan? At nawa matagpuan natin ang krus ni Hesus sa panahong ito at magdala sa atin sa buhay kabanalan.
Panghuli mga kapatid, ang kuwaresma ay hindi tulad ng senakulo o drama lang, pagktapos ay balik nanaman tayo sa dati nating gawain. Nawa, ang lahat ng matutunan natin at mpagnilayan natinsa panahong ito, ay dalhin natin hanggang sa panahon na humarap tayo sa Panginoon. Amen.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento