Activate your Faith by reflecting on the Holy Gospels and lives of the blessed and saints!

Martes, Disyembre 18, 2012

Ikatlong Araw ng Simbang Gabi


Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Matthew 1:18-24. 
Now this is how the birth of Jesus Christ came about. When his mother Mary was betrothed to Joseph, but before they lived together, she was found with child through the holy Spirit.
Joseph her husband, since he was a righteous man, yet unwilling to expose her to shame, decided to divorce her quietly.
Such was his intention when, behold, the angel of the Lord appeared to him in a dream and said, "Joseph, son of David, do not be afraid to take Mary your wife into your home. For it is through the holy Spirit that this child has been conceived in her.
She will bear a son and you are to name him Jesus, because he will save his people from their sins."
All this took place to fulfill what the Lord had said through the prophet:
Behold, the virgin shall be with child and bear a son, and they shall name him Emmanuel, which means "God is with us."
When Joseph awoke, he did as the angel of the Lord had commanded him and took his wife into his home.

Reflection: Ang aking panaginip

Ilang beses nga ba tayo nanaginip sa isang araw? Ang panaginip nga ba ay nangyayari lamang tuwing  tayo ay tulog? O ito rin ay nanagyayari kahit tayo'y gising? Mga kapatid, sa araw na ito ay ipinaalala sa atin ang pagdalaw ng anghel na si Gabriel sa panaginip ni Jose, asawa ni Maria na Ina ni Hesus. At tulad ni Jose, bilang mga tao, natakot tayong harapin ang katotohonan at panindigan ito.

Ang mabuting balita sa araw na ito ay nagpapaalala sa atin ng dalawang bagay:
Ang panaginip habang tayo'y tulog at ang panaginip habang tayo'y gising.

Ang panaginip habang tayo'y tulog ay tulad ng isang pagharap natin sa katotohonan, ngunit pilit nating tinatanggihan o nilalayuan. Marahil ito ang unang impresyon ni Jose ng malaman niyang buntis si Maria na dapat niyang mapapangasawa. Dito, ang katotohonan ay nagsisilbi lamang isang panaginip kung saan natatakot tayong harapin ito at tanggapin ito. Kaya para sa atin, panaginip lang yan. Ating alalahanin sa ating buhay ng humingi tayo ng sign sa Diyos. "Panginoon, penge pong sign para malamang mahal niya ako" o kaya naman "Lord, pengeng sign kung yayaman pa ako", sa bawat sign na hinhingi natin, marahil ipinakita na sa atin ng Diyos ang sign na ating hinihingi, ngunit hindi natin matutunang tanggapin dahil may mas ineexpect pa tayong sign na darating. Halimbawa po ay ito, Isang araw po, sa aking paglalakad, tinanong ko po ang Diyos, sabi ko Lord, dapat ba akong magresign sa pagiging youth coordinator kasi po Lord ang hirap na, may isa pong sign na bumalandra sa isang kanto ang nakasulat po ay "Be careful in your way" tapos po sa tabi nito may nakalagay na "Enjoy your ride" hindi ko po ito pinansin, kasi kahit sino naman po ang makakakita nun ay balewala lang, depende nalang kung may kotse ka. Sabi ko po ulit, Lord wala pa bang sagot diyan? Kanina pa ko tanong ng tanong sa'yo, pero ang nasa isip ko po, sana may sign na lumabas na sumuko na ako! Pagkauwi ko po, saka ko lamang po naaalala yung sign na nakita ko sa kanto, at nasabi ko sa sarili ko, siguro yun yung hinihingi kong sign, pero hindi ko ito pinansin dahil mayroon akong gustong makita. Mga kapatid, ito yung panaginip habang tulog, na ipinapakitaa na sa atin yung katotohanan ngunit nanatili tayong tulog. At Marahil ito ang magpapaalala sa atin, na may napakagandang plano sa atin ang Diyos, na hindi natin nakikita dahil nanaginip tayo sa mga sarili nating plano sa buhay. Samantalang ang panaginip habang gising ay tumutukoy na gising tayo sa katotohanan na ang buhay dito sa daigdig ay dapat ilaan hindi lamang sa panaginip bagkus sa katotohanan. Marahil ito ay ang pag - iisip ng tama at ng katotohanan para sa kapwa natin at para sa Diyos. Nakakalungkot nga lang pong isipin, na marami sa atin ngayon ang takot harapin ang katotohonan at namuhay nalang sa pagtulog at pananaginip, na hindi man lang nila sinubukang bumangon at managinip ng gising para sa ating kapwa.

Kahapon nga lamang po ay naaprobahan na ang RH Bill sa third reading sa kamara at second reading sa Kongreso. Nakakalungkot pong isipin na ang mga representante po na bumubuo sa ga nasabing parte ng gobyerno ay mga nanaginip sa kanilang mga sariling plano, bagkus hindi sila gumising upang harapin ang katotohanan na plano ng Diyos. At patuloy po tayong magdasal, na hindi maisatupad ang batas na ito, ang huling hantungan nalang po ay ang pagpirma at pagaproba ng Presidente sa nasabing batas. At magdasal pa rin po tayo na sana, masilaw ang ating Presidente sa flash ng camera habang kukuhanan siya sa kaniyang pagpirma sa batas na ito, at doon sa Flash na yun ay makita niya si Hesus at marealize niya ang maidudulot ng batas na ito sa ating bansa, mas maraming babaeng maghihirap, mga sanggol na mamamatay ng walang kamalaymalay, mga kabataang mapapariwa at mga pamilyang nasira. At tungo rito, masasabi niya na mali ito, at dapat niyang tahakin ang tuwid na landas kasama ang Diyos at ang kaniyang turo sa pamamagitan ng paggabay ng simbahan.

Kaya naman sa araw na ito, sa ating mga sariling panaginip, nawa sumagi sa ating isipan na kelangan hindi lang ako mamuhay sa panaginip ng aking sariling nais, bagkus magising din ako upang harapin ang plano ng Diyos at tanggapin ito ng buongbuo. Amen.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento