Activate your Faith by reflecting on the Holy Gospels and lives of the blessed and saints!
February 5, 2013: Friday After Ash Wednesday
Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Matthew 9:14-15.
The disciples of John approached Jesus and said, «Why do we and the Pharisees fast much, but your disciples do not fast?»
Jesus answered them, "Can the wedding guests mourn as long as the bridegroom is with them? The days will come when the bridegroom is taken away from them, and then they will fast.
Reflection: We fast because we love
Fasting is primarily the act of willingly abstaining from all food, drink, or both, for a period of time. Ano nga ba ang pagpapakahulugan natin sa Fasting? Mga kapatid, alam natin na tuwing kuwaresma tayo ay iniimbitihan na mag FASTING o kaya naman ay magkaroon ng pagsasakripisyo sa pamamagitan ng pagbabawas ng ating mga nakagawian. At ang magandang halimbawa na nga nito ay ang pagkain. Nasanay tayo na kumakain tayto ng tatlong beses sa isang araw, may merienda pa minsa. At ngayong kuwaresma, iniimbitahan tayo na kumain lamang ng sapat o kaya naman isang beses sa isang araw at tayo ay iniimbitahang maramdaman ang gutom. Ngunit mga kapatid ang Fasting ay hindi lamang tumutukoy sa pagkain bagkus ito din ay tumutukoy sa pagbabawas ng ating mga luho sa buhay. Kaya itatanong ko sa inyo ngayon, para saan ba ang ating pagaayuno o Fasting? Anong mapapala dito? Bakit ito ay kailangan gawin tuwing Kuwaresma. Mga kapatid marami sa atin ang nagaayuno ngunit hindi alam ang kahulugan kung bakit nila ginagawa yun. Yung iba, para magyabang lang na nakikiisa siya, kapag tinanong kung bakit ginagawa ang pagaayuno, ay hindi na alam ang isasagot. Mgta kapatid, ang pagaayuno ba natin ay mapupunta lamang sa wala? Kaya naman sa araw ito sinabi Panginoon sa mabuting balita "Can the wedding guests mourn as long as the bridegroom is with them? The days will come when the bridegroom is taken away from them, and then they will fast" Binigyan niya ng kahulugan ang pag aayuno, at ito ay ang pagnanais na makasama siya sa dulo ng ating buhay. Ang pagaayuno ay tungkol sa pagsasakripisyo ngunit ito ay tungkol din sa pagmamahal sa Diyos. At dahil sa pagmamahal ninais nating makaisa siya sa hirap na kaniyang dinanas, sa krus na kaniyang binuhat at sa gutom na kaniyang nadama. We Fast because we love. In order to love God we must have Christ in our heart. For Christ is the reason why we Fast and why we love. My dear brothers and sisters, nawa ang ginagawa ngayong kuwaresma ay hindi lamang mapunta sa kawalan.NAwa ang ating pagaayuno at pagaabstinensya ay hindi lamang dahil sa wala o kaya tinatawag na trip lang. Nawa itong ginagawa natin ay magsilbing daan upang maramdaman si Kristo at higit na makaisa Siya sa buhay nating magulo. Remember, We fast because we love, we love because we are the one who first loved by Jesus. Kaya naman, ang pagtawag sa ating magayuno ay tulad ng bilin ng Panginoon sa mga apostoles ng magdadasal Siya sa halamanan: "Watch and Pray!" an invitation of sacrificial love with Him. Amen.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento