Activate your Faith by reflecting on the Holy Gospels and lives of the blessed and saints!

Lunes, Pebrero 18, 2013

February 19, 2013 - Tuesday of the first week of Lent


Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Matthew 6:7-15. 

Jesus said to his disciples: «In praying, do not babble like the pagans, who think that they will be heard because of their many words.
Do not be like them. Your Father knows what you need before you ask him.
This is how you are to pray: Our Father in heaven, hallowed be your name,
your kingdom come, your will be done, on earth as in heaven.
Give us today our daily bread;
and forgive us our debts, as we forgive our debtors;
and do not subject us to the final test, but deliver us from the evil one.
If you forgive others their transgressions, your heavenly Father will forgive you.
But if you do not forgive others, neither will your Father forgive your transgressions.

Reflection: Ang tunay na kahulugan ng pananalangin

Manalangin, isang gawain na napakahalaga ngayong panahon ng Kuwaresma.Paano nga ba tayo nananalangin? Ilang beses nga ba tayo nananalangin sa loob ng isang araw?

Mga kapatid, ano nga ba ang panalangin para sa atin? Nakakalungkot isipin na ang gawain ito ay tinuturing ng marami na isang magic spells, sapagkat nananalangin lamang ang marami sa atin dahil may kahilingan sila sa buhay. Eto yung katotohonan mga kapatid, na sa pananalangin natin ang tanging iniisip lamang natin ay ang ating sarili at ang mga bagay na makakapagpasaya sa atin, kaya masasabi kong hindi ito isang panalangin sapagkat ito ay tinatawag na mga salita o pahayag ng isip. Ang tunay na panalangin ay nagmumula sa puso, yung feel na feel at hindi lamang ito tungkol sa sarili, bagkus ito ay tungkol sa pagbibigay ng sarili sa Diyos at gayundin ang pagtitiwala sa kaniya at pagsasantabi ng ating mga plano para sa plano niya. Ang tunay na panalangin ay hindi lamang humihiling bagkus marunong din magpasalamat sa kaniyang mga natanggap at makuntento dito. Ang tunay na panalangin ay hindi lamang inaalay sa mga taong nagmahal sa atin o nagpahalaga sa atin, ngunit mas higit itong iniaalay sa mga taong nanakit at nagpahirap sa atin na naging daan ng pagiging matatag natin. Kaya nga eto ang hamon sa atin ngayong kuwaresma, "Watch and Pray" sapagkat tungo sa panalangin natututo tayong maging matiyaga at mapaghintay. Naalala ko nga po ang isang fieldtrip ng mga bata, makikita ninyo po pagpasok ng bus lahat po labas ng kaniya kaniyang gadgets, cellphone, psp, gameboy, ipod kulang nalang dalhin pati ref at tv. Ngayon sinabi ng isang madre, "Ok mga bata itago muna ninyo ang inyong mga gadgets at ilabas ninyo ang inyong mga rosaryo, sama sama tayong magdadasal" At tinago naman nila ang mga gadgets at nilabas ang rosaryo at nagdasal, pagdating sa kalagitnaan ng pagrorosaryo ay twala ng nasagot sa mga dasal, pagtingin ng madre sa mga bata, mga nakatulog. At hindi pa tapos ang kuwento, pagkarating nila sa kanilang pupuntahan sinabi ng mga madre "Ok mga bata, nandito na tayo sa ating unang lugar, maghintay muna kayong lahat may aasikasuhin lang kami bago kayo bumaba" Makalipas ang ilang sampung minuto ng paghihintay, bumalik ang madre, at nakita ang mga noo ng mga bata nakakunot na, sa sobrang inis sa paghihintay. kaya sinabi ng madre "Mga bata, wag kayong mainis, malapit na naman kayong pababain nagkaproblema lang, remember waiting is a virtue" Ngunit biglang sumagot ang isang bata, "But ma'am Time is Gold" Ganyan ang nangyayari sa isang tao kapag hindi niya alam ang tunay na kahulugan ng pananalangin, mainipin, at walang tiyaga. Kaya naman sana, ngayong kuwaresma, magkapagspend tayo ng ilang oras sa pananalangin, huwag naman po nating gawing sleeping pills ang mga pagdarasal. Matuto sana tayong magtiyagang magbantay para sa pagdating ng Panginoon at manalangin para sa kaligtasan at ikakapagpatawad ng ating mga kasalanan. Amen.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento