Filled with the holy Spirit, Jesus returned from the Jordan and was led by the Spirit into the desert
for forty days, to be tempted by the devil. He ate nothing during those days, and when they were over he was hungry.
The devil said to him, "If you are the Son of God, command this stone to become bread."
Jesus answered him, "It is written, 'One does not live by bread alone.'"
Then he took him up and showed him all the kingdoms of the world in a single instant.
The devil said to him, "I shall give to you all this power and their glory; for it has been handed over to me, and I may give it to whomever I wish.
All this will be yours, if you worship me."
Jesus said to him in reply, "It is written: 'You shall worship the Lord, your God, and him alone shall you serve.'"
Then he led him to Jerusalem, made him stand on the parapet of the temple, and said to him, "If you are the Son of God, throw yourself down from here,
for it is written: 'He will command his angels concerning you, to guard you,'
and: 'With their hands they will support you, lest you dash your foot against a stone.'"
Jesus said to him in reply, "It also says, 'You shall not put the Lord, your God, to the test.'"
When the devil had finished every temptation, he departed from him for a time.
Reflection: Temptation Island
Sino na po sa atin ang nakapanood na ng isang pelikula ng GMA na pinamagatang: Temptation Island. Sa palabas pong ito nakita natin na natrap ang mga models kasama ng mga kalalakihan at isang bading sa isang isla ng lumubog ang kanilang barko. Ngayon mga kapatid tinanong ko ang aking sarili kung bakit temptation island ang tawag sa isla na kanilang napuntahan? Paano nga ba natin malalaman kung ang ating kinatatayuan ay isang temptation island?
Sa unang linggo po ng kuwaresma, ipinahayag sa ating mabuting balita kung paano tinukso ang ating Panginoon habang siya ay nananalangin. Tunay na si Hesus ang Diyos, ngunit dahil Siya ay nagkatawang tao, naranasan din niyang tuksuhin ng demonyo. Kung si Hesus na Diyos ay tinukso, tayo pa kayang tao na may kaniya kaniyang kahinaan din. Alam ng Demonyo kung ano ang kahinahan ng bawat isa kaya naman doon tayo tinatraget nito. Alam ninyo mga kapatid, kapag ang demonyo ay nanukso, dapat swabe! Hindi po yan magpapakita ng pangil, sungay at bundot, bagkus magpapakita yan ng isang bagay na nakakaakit sa inyo, na magugustuhan ninyo. At ito nga ang ginawa sa Panginoon, inalok siya ng kung ano anong bagay na makakapagpahulog sa kaniya sa tukso. Ngunit mga kapatid, saan nga ba tayo madalas matukso?
Tinutukso tayo sa mga bagay na kulang sa atin. Kaya nga masasabi natin na ang ating mundo ay isang temptation island, bakit? Sapagkat sa mundong maraming kulang, marami tayong hinahangad at marami tayong kailangan. Ilang beses na tayong pinaalalahanan ng Diyos na matuto tayong ibigay kung ano yung nararapat sa atin, ngunit tayong mga tao, masyado tayong nagmamadali. Para tayong mga bata na inutusang huwag munang maglaro dahil mainit sa labas, ngunit dahil sabik tayong maglaro, nagpatuloy pa rin tayo kaya tayo nagkasakit. Mahilig tayong sumugal at kumapit sa tinatawag na patalim, at ito ang kasalanan. Mga kapatid, namuo na sa ating mga Pilipino ang katagang "kapag gipit, sa patalim kumakapit" kaya naman mas marami tayong nararanasan na kagipitan sapagkat ito pala ay isang tukso upang lumapit ka sa patalim ng kasalanan. Totoo mga kapatid, may mga bagay tayo na minsan hindi natin maintindihan o maunawaan, mga panahon na hindi natin lubusang mapagtanto kung kailan talaga, mga kahilingan ng hindi natin malirip kung kailan ipagkakaloob, tunay na kulang tayo sa kaalaman, kaya naman minsan mas pinipili nalang natin na magpadala sa agos ng buhay at magpadala sa tukso. Minsang may isang seminarista na tinanong ng pari, "O brother, kapag ba ikaw ay natutuksng gumawa ng mahahalay na bagay, ineentertain mo ba ang tuksong ito?" sumagot ang seminarista "hindi po father, pero po sila ang nageentertain sakin ang saya po!" Ayan, ganyan tayong mga tao, sa oras na bigyan ng pagkakataon na mapasaya tayo ng tuksong ito, dito maguumpisa ang pagkakataong makalimutan ang buhay ng pagiging banal, ang buhay ng pagiging anak ng Diyos. Mga kapatid, ngayong kuwaresma napakaraming tukso, naalala ko po nitong nakaraang miyerkules ng abo, nagtungo po kami sa isang Feb Fair sa UP, sa araw pong iyun sinasabi na dapat magfastin at magabstinensya, mahigpit na ipinagbabawal ang pagkain ng karne. Makikita ninyo po ang napakaraming katoliko doon. Masasabi ninyong katoliko sila sapagkat may krus sila sa noo. Ngunit nakakalungkot lamang po, na kahit may krus sila sa noo, naandun sila sa ihaw ihawan, kumakain ng bituka ng manok, bituka na baboy, inihaw na dugo, barbecue, yung iba nakashawarma beef pa, yung iba naman sarap na sarap sa fried chicken at beef steak, for sure kayo din ngayon habang nababasa't napapakinggan ninyo ito naglalaway kayo. Mga kapatid totoong maraming tukso ngayong kuwaresma, dahil maraming bawal, marami ang natutuwang gawin ang bawal. Kaya nga ang tanong sa atin ngayon, magpapatukso ba ako, o lalabanan ko ang tukso? Kaya naman doon sa palabas na temptation island inyong mapapansin, nagaaway away na sila, sapagkat sila ay gutom hindi lamang sa pagkain bagkus gutom sila sa tunay na pagmamahal ng bawat isa at uhaw na uhaw sa mga bagay na kulang sa kanila. Kaya naman, ano dapat ang gawin natin kung tayo ay tinutukso? Ang pinakamabisang solusyon diyan ay ang manalangin. MAnalangin ka kapatid, hindi para sabihin sa Diyos na: "Lord, kailangan ko lang talaga to, kaya sorry ha, isang beses lang naman ako gagawa ng kasalanan." Magpapaalam pa tayo sa Diyos na gagawa tayo sa kasalanan, nakakahiya, anong mararamdaman ng Panginoon. Dapat ang ipagdasal mo: "Lord, tulungan mo akong labanan ang tuksong ito, ipadala mo sa akin ang anghel mo." Dapat kang manalangin na sa kahit anong hirap na nararamdaman mo sa Panginoon ka pa rin sasagpi, hindi yung magpapaalam ka pa na gagawa ka ng kasalanan, parang politika lang yan, nasa isang partido ka, tapos magpapaalam ka sa head ninyo na tutulungan mo yung kalaban ng partido ninyo sa pangangampanya, joke ba to! Kapatid, kahit kulang kulang ang mundong ito, ginawa ni Hesus ang lahat hindi para kumpletuhin ang daigdig, ngunit para buuin at bigyan ng saysay ang buhay mo! May nagtanong, eh brother, naiwasan ni Hesus ang tukso sapagkat Diyos siya, hindi kaya to sapagkat tao lang tayo. Huwag sana ganito ang maging pananaw natin, ating tandaan, nung tayo ay bininyagan tayo ay naging kabahagi ng PagkaDiyos ni Hesus, at nung nagpakasakit at namatay si Hesus sa krus, hindi ka lamang naging kabahagi ng PagkaDiyos niya bagkus naging parte ka pa ng buhay Niya. Mga kapatid sa temptation Island na ito handa ka bang magtiis maghirap? Kaya patuloy tayong iniimbitahan na sana kapag tayo'y nagigipit huwag tayo sa patalim kumapit bagkus matuto tayong sa Diyos at sa kaniyang biyaya lumapit! Amen.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento