Pagmamahal, isang salitang may malalim na kahulugan ngunit simpleng larawan, at ang larawan nito ay ang puso. Isang puso na dapat magbukas upang magbigay ng pagmamahal sa iba at tumanggap ng pagpapakumbaba at pagpapatawad. Isang puso na dapat magbukas sa bawat habag na mararamdaman nito sa iba. At Isang puso na handang tanggapin ang plano ng Diyos, mahirap man o masaya! At sa araw na ito, tayong lahat ay pinapaalalahanan, na patuloy nawang umusbong ang ating pagmamahalan sa isa't isa, at ito ay isang dakilang utos mula sa Panginoon. Kaya naman, nawa ang bawat isa ay matutong magbigay ng pagmamahal lalu't higit sa mga nakasakit sa kanila.
Wag po tayong magpakainggit sa mga magkakaholding hands sa araw na ito, wag tayong mainggit sa mga nag - aI Love Yuhan sa araw na ito, wag tayong mainggit sa mga taong may kadate sa araw na ito, sapagkat makasama mo lamang ang iyong pamilya sa bahay at magsalo salo kayo, ito ay katumbas na ng isang date. Makapagpasalamat ka lang sa isang kaibigang totoo sa iyo, ito ay katumbas na ng matatamis na I Love You. At hawakan mo lamang ang sarili mong kamay, pagdikitan ang iyong mga palad, isang simbolo ng pananalangin, ito ay katumbas na ng mahigpit na hawak kamay, mas higit pa dito, sapagkat hawak mo ang palad ng Diyos. Amen.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento