Activate your Faith by reflecting on the Holy Gospels and lives of the blessed and saints!

Linggo, Disyembre 16, 2012

Ikalawang Araw ng Simbang Gabi


Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Matthew 1:1-17. 
The Book of the genealogy of Jesus Christ, the son of David, the son of Abraham.
Abraham became the father of Isaac, Isaac the father of Jacob, Jacob the father of Judah and his brothers.
Judah became the father of Perez and Zerah, whose mother was Tamar. Perez became the father of Hezron, Hezron the father of Ram,
Ram the father of Amminadab. Amminadab became the father of Nahshon, Nahshon the father of Salmon,
Salmon the father of Boaz, whose mother was Rahab. Boaz became the father of Obed, whose mother was Ruth. Obed became the father of Jesse,
Jesse the father of David the king. David became the father of Solomon, whose mother had been the wife of Uriah.
Solomon became the father of Rehoboam, Rehoboam the father of Abijah, Abijah the father of Asaph.
Asaph became the father of Jehoshaphat, Jehoshaphat the father of Joram, Joram the father of Uzziah.
Uzziah became the father of Jotham, Jotham the father of Ahaz, Ahaz the father of Hezekiah.
Hezekiah became the father of Manasseh, Manasseh the father of Amos, Amos the father of Josiah.
Josiah became the father of Jechoniah and his brothers at the time of the Babylonian exile.
After the Babylonian exile, Jechoniah became the father of Shealtiel, Shealtiel the father of Zerubbabel,
Zerubbabel the father of Abiud. Abiud became the father of Eliakim, Eliakim the father of Azor,
Azor the father of Zadok. Zadok became the father of Achim, Achim the father of Eliud,
Eliud the father of Eleazar. Eleazar became the father of Matthan, Matthan the father of Jacob,
Jacob the father of Joseph, the husband of Mary. Of her was born Jesus who is called the Messiah.
Thus the total number of generations from Abraham to David is fourteen generations; from David to the Babylonian exile, fourteen generations; from the Babylonian exile to the Messiah, fourteen generations.

Reflection: Every Generation with God.

Mga kapatid, sa pangalawang araw ng ating simbang gabi, ipinahayag ang family tree ng Panginoong Hesus. Ngunit marahil maitatanong natin, nasaan ang mabuting balita dito? Bakit kailangan pang isulat sa bibliya ang pinagmulan ni Hesus gayong wala naman tayong masyadong makikita dito kung di puro pangalan na napakahirap banggitin at puro pangalan na hindi na natin kilala lalo na kapag di tayo nagsisimba at nagbabasa ng bibliya? :D Ano nga ba ang gusto nitong iparating sa atin? Kapag sinabi sa atin na si Hesus ay galing sa angkan ni David, ang sagot nating mga katoliko, ":Ano ngayon? Di ko naman kilala si David?" Oh hindi ba?
Ilapat natin yan sa sarili nating nakaraan, lagi nating sinasabi, naku nakaraan na yan, indi na yan dapat balikan. Marahil masasabi natin, huwag na nating balikan ang pinaggalingan o nakaraan ni Hesus, dahil sa likod ng mga taong iya, nandyan yung kasalanan, kasakiman at marami pang iba. Parang tayo, sasabihin nating, huwag ng balikan ang nakaraan natin, dahil nandyan lang yung sakit, nandya lang yung pasakit at kabiguan. Bakit nga ba kailangan nating balikan pa ang nakaraan ng Panginoon bago magPasko?  Gaano nga ba kahalaga ito bilang mensahe sa ating lahat?

May tatlong mensahe ang nais iwan ng generation ng Panginoon para sa ating lahat, lalo't higit sa paglapit natin sa Kapaskuhan.

Una, Nakiisa pa rin ang Panginoon sa atin kahit tayo'y makasalanan. Alam natin na lahat tayo ay makasalanan, ngunit pinili pa rin ng Panginoon na bumaba sa lupa, at maging parte ng makakasalanag tao. Siya ay Diyos, pero mas pinili ng Ama na magmula siya sa isang Henerasyong maraming pagkukulang ata pagkakamali, ang sangkatauhan. Ito ay isang pagpapaalala, na kaisa natin ang Panginoon, sa kabila ng ating mga kasalanan, patuloy pa rin niya tayong binbiyayaan at inililigtas. Isa itong mensahe ngayong kapaskuhan, na nagpapaalala sa atin, ng ang Diyos, ay hindi kailanman sumuko sa pagmnamahal sa atin na sa kahit ilang beses nating pagkakamali at pagkakasala, pinili pa rin ng Diyos na tayo'y mahalin at patawarin.
Unang Mensahe: He became one of us! God wanted to be one of us to bring us the message that He will never leave us. At ito marahil ang hamon sa ating lahat ngayong kapaskuhan, na nawa, patuloy nating makaisa ang Diyos sa pamamagitan ng pakikiisa natin sa kabutihan. Matuto nawa tayong makaisa ang ibang tao, kahit na sinaktan nila tayo, kahit na may kasalanan sila sa atin, matuto tayong patawarin sila at tanggapin sa kabila ng kanilag kahinaan, tulad na sa kung paano nakipag isa ang Diyos sa atin, sa pamamagitan ni Hesus.

Pangalawa, Sa bawat Generation natin, patuloy tayong ginagabayan ng Panginoon. Kaya naman, bawat sandali ng ating buhay, kabahagi natin ang Panginoon. Kasama natin siya, at meron siyang magandang plano sa bawat isa. Sa lahat ng mga pangalan doon sa pinagmulan ni Hesus, sino nga ba doon ang magaakala na sa Henerayon na yun magmumula ang tagapagliagtas? Kaya naman ang malaking tanong sa atin, sa ating buhay araw araw, sino nga ba ang magaakala na balang araw ma napakagandang plano ang nakahanda sa atin? Kaya naman mga kapatid, sa bawat minuto ng ating buhay, kahit ilang beses tayong nabigo, patuloy pa ring ipinapaalala na nariyan pa rin si Hesus na magiging pag - asa natin, magiging tanglaw at magiging kadamay. Kaya naman sa bawat misyon na hindi natatapos, nandyan ang ating Diyos, na nagpapadala ng kaniyang banal na espirito upang palakasin tayo at iparamdam sa atin kung gaano niya tayo kamahal.
Ikalawang Mensahe: God  is our Hope as He guide us! At ito ang magbibigay sa atin ng lakas ng loob upang lumaban pa sa buhay na ito, dahil ito ay magsisilbing motivation, na sa bawat araw, may MAGANDANG PLANO ANG DIYOS SA ATIN!

Lastly, It is only Jesus who can make everthing ok. At ang family tree na ito ang magpapaalala sa atin, na sa umpisa at huli, sa Diyos pa rin tayo. At ang bawat pangyayari, ay may dahilan. Kaya naman, ang bawat kahilingan natin ngayong kapaskuhan ay idaan natin sa panalangin, dahil tungo dito, naabot natin ang Panginoon. At ito ang panghuli mensahe, na pagdating ni Hesus, naaabot ng Diyos ang tao, at naaabot ng tao ang Diyos. Kaya naman, ito ang diwa ng Pasko, at dapat nating tandaan, na sa tuwing nakakaranas tayo ng biyaya, sa tuwing nagdarasal tayo, tayo ay naaabot ng Diyos, at ito ay tatawagin nating Pasko.

Ngayon po ay pagbobotohan sa Senado ang RH Bill, samantalang third reading na po sa kamara ang panukalang batas na ito. Mga kapatid, nito lamang pong ika - 12 ng Disyembre, ay naipasa sa second reading sa kamara ang batas na ito, ngunit hindi po tayo susuko, sapagkat patuloy po tayong naniniwala na malaki ang babaguhin ng batas na ito sa ating bansa. Meroon pong isang comment ang nabasa ko after po ng botohan, at ito po yung sabi sa comment:

"So god can bring a typhoon, kill a thousand innocent men women and children, but does not have the power to control a vote?

That god certainly has problems......"
Isa po itong patunay, na ang RH Bill, ay magiging sanhi ng pagkatigil ng kapaskuhan, o ang pagtigil ng pagabot natin sa Diyos. Ito po yung dulot ng RH Bill, hindi lamang sa ating pisikal na katawan ngunit sa atin ding espirituwal na katayuan. Kaya naman, patuloy tayong pinapaalalahanan, maranasan sana natin ang Pasko, sa pagdarasal natin ngayon laban sa panukalang ito, maranasan natin ang Pasko sa paghahangad ng kabutihan para sa ating basa at ating kapwa kapatid sa pananampalataya. Pahalagahan natin ang buhay, ang patuloy natin isigaw sa lahat na ang buhay ay simbolo ng pagmamahal ng Diyos at ito marahil ay isang simbolo ng kapaskuha, dahil sa buhay na ito, dito tayo unang naabot ng Diyos.

Ang family Tree ni Hesus, ay magsisilbing isang pagpapaliwanag sa atin na tayo ay may Diyos na kaisa natin, na tagapag gabay natin at pag - asa sa atin. Kaya naman itanong natin sa ating sarili, sa buong taog 2012, ilang beses ko nga ba naramdaman ang kapaskuhan, ilang beses ko nga bang naramdama na inabot ako ng Panginoon, at Naabot ko ang Panginoon? Amen.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento