Activate your Faith by reflecting on the Holy Gospels and lives of the blessed and saints!

Sabado, Disyembre 15, 2012

National Youth Day 2012

Kabataan. Isang salita na minsang tinawag na pag - asa ng bayan, at inihalintulad sa kayamanan ng simbahan. Ang salitang ito ang halos kumakatawan sa napakalaking porsyento ng ating populasyon. At tunay na malaki ang magagawa nila kapag sila ay nagsamasama. Kaya naman, ngayong ika - 16 ng Disyembre, pinagdiriwang natin ang Pambansang Taon ng Kabataan, nawa ito ay magsilbing paalala sa lahat na may mga kabataan pa ring nanatiling pag - asa ng lahat. At ito rin ay magsisilbing paghikayat sa mga kabataan na patuloy pag alabin ang kanilang pananampalataya sa Diyos, at tahakin ang landas na tinahak niya, patungo sa kabutihan. Samahan ninyo ako sa isang panalangin para sa mga kabataang ito.

Panalangin para sa mga kabataan

Panginoong Diyos,
Ang mga kabataan ang nilaan mo upang maging
pinuno na papalit sa aming henerasyon.
Sila, na minsan ding nadarapa sa kanilang buhay,
at natutukso sa mga kasalanan.
Mga kabataan,
na minsang takot harapin ang katotohanan,
takot masaktan,
at takot mahirapan.
Ngunit Panginoon,
sila ang mga kabataan na may lakas,
at marami pang magagawa sa kanilang buhay.
Patuloy nawa silang maging masigla
lalo't higit sa paglilingkod sa iyo.
Nawa, makatulong namin sila sa paglaban
sa tama, at pagwawasto sa mali.
Panginoon, patuloy mo silang gabayan,
patuloy mo silang mahalin sa kabila ng kanilang kahinaan,
Nawa Panginoon,
sila ay maging tanglaw din sa kanilang kapwa kabataan,
at akayin ang mga naliligaw ng landas patungo
sa iyo.
Sa tulong ng aming Inang Maria,
nawa ay hindi nila makalimutan,
na kasama ka nila sa lahat ng hamon sa kanilang buhay.
Ito ang aming dalangin,
sa Pangalan ni Hesus.
Amen.

Panalangin ng mga Kabataan
Panginoon, bilang isang kabataan,
marami akong pagkukulang at pagkakamali sa'yo.
At nawa mapatawad mo ako dito,
sapagkat ako'y mahina at pawang madaling matukso.
Ngunit kahit po ganun,
patuloy pa rin akong nagsisikap magmahal sa mundong ito,
lalo't higit ang mahalin ang isang Diyos na katulad mo.
Panginoon, marahil nasa amin nga ang lakas, enerhiya, at talino
na kailanga ng marami,
ngunit ang aming isip ay kailangan pa rin ng gabay,
para sa pagdedesison nito sa aming buhay.
Kaya naman Panginoon, kami ay patuloy na tumatawag sa iyo,
bilang mga nalalapit na maging lider sa takdang panahonm
nawa kami ay patuloy biyayaan ng pasensiya para
matuto kaming maghintay,
biyayaan mo kami ng
matinding pag - unawa sa mga bagay na hindi namin maintindihan,
upang unti unti naming matanggap ang iyong nais.
Nawa Panginoon, makatulong ako para
sa iyong bayan,
kahit mahirap, kahit madaming sakripisyo,
kakayanin ko, para lamang sa'yo.
Mahal na Inang Maria, lagi mo kaming
aakayin patungo sa iyong anak na si Hesus,
lagi mong hawakan ang aming kamay upang sa aming pagkadapa,
kami'y makatayo agad.
Ito ang aming pagsamo't dalangin,
sa pangalan ni Hesukristong Panginoon,
na naghahari kasama Mo a ng
Espirito Santo Magpasawalang hanggan. Amen.

San Juan Bosco, Patron ng mga Kabataan
Ipanalangin mo kami

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento