Ang Parokya ni San Agustin, kasabay ng pagdiriwang nito ng Kapaskuhan, ay naglunsad ng programang tinatawag na Christmas Tree Lightning. Dito binuksan ang ilaw ng Christmas Tree sa tabi ng Simbahan (sa may Sampung Utos) gayundin ang pagliwanag ng buong labas ng simbahan dahil sa makukulay na ilaw na ikinabit dito. Dito, binigyang pansin ni Rev. Fr. Jessie Somosierra, Jr. (Kura Paroko) ang kahalagahan ng isang puno sa ating pananampalataya. Mga Puno na kung saan minsang naging parte ng buhay ng mga banal at ni Hesus. Sa akin namang pagninilay, tulad ng Christmas Tree, ang pananampalataya nawa natin ay patuloy na maging makukulay na ilaw na nagbibigay liwanag sa ating buhay. Ang Ilaw at palamuti ang ating pananampalataya, samantalang ang puno ang sumisibolo sa ating buhay. Ating pakatandaan, na tayo'y magkakaroon ng ganda, kahit ano man ang edad natin, kung tayo ay magtatayo o maglalagay ng pananampalatay sa buhay natin. Isang pananampalataya na magdadala sa atin hindi lamang sa pagningning na pisikal na katayuan bagkus pati ang ating espiritwal na kaanyuan. Tunay na ramdam na ang kapaskuhan sa Parokya ni San Agustin, sa bayan ng Bay, Laguna dahil sa mga desenyong ito at preparasyong ginagawa para sa pagdiriwang ng pagsilang ng ating manunubos na si Hesukristo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento