Activate your Faith by reflecting on the Holy Gospels and lives of the blessed and saints!

Sabado, Disyembre 15, 2012

Third Sunday of Advent


Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Luke 3:10-18. 

And the crowds asked him, "What then should we do?" 
He said to them in reply, "Whoever has two cloaks should share with the person who has none. And whoever has food should do likewise." 
Even tax collectors came to be baptized and they said to him, "Teacher, what should we do?" 
He answered them, "Stop collecting more than what is prescribed." 
Soldiers also asked him, "And what is it that we should do?" He told them, "Do not practice extortion, do not falsely accuse anyone, and be satisfied with your wages." 
Now the people were filled with expectation, and all were asking in their hearts whether John might be the Messiah. 
John answered them all, saying, "I am baptizing you with water, but one mightier than I is coming. I am not worthy to loosen the thongs of his sandals. He will baptize you with the holy Spirit and fire.
His winnowing fan is in his hand to clear his threshing floor and to gather the wheat into his barn, but the chaff he will burn with unquenchable fire."
Exhorting them in many other ways, he preached good news to the people. 

Reflection: Should I Rejoice to the coming of God?

A little while ago, kasama po ako ng mga kabataan ng aming Parokya, at pinaguusapan namin ang tungkol sa Illuminati. Sabi nila, ito daw ay tumutukoy sa mga artista, o holywood na ibinenta ang kaluluwa kay satanas para lang maging sikat. Nasa isip ko, kung sumisikat sila, marahil katapusan na ng mundo para sa atin? Isa nga ba itong simbolo na darating na ang Panginoon upang puksain ang masasama? Pangalawa, noong isang linggo po ay inimbitahan po ako ng kaibigan kong seminarista na dumalaw sa Seminario nila, doon po ay may pagdiriwang na family day, ngunit nadelay po ang oras, dahil ang lahat ay nakatutok sa laban ng ating si Manny Pacqiuao. Ngunit itong si Manny ay naknock out sa ring. Pagkauwi ko po ay nagbasa po ako ng mga post sa facebook at nakita kong sa tuwing may laban si Manny, ay may trahedyang nagagnap after daw ng 13 days, kaya naman nagbilang ako ng 13days mula sa laban niya, at yun ay december 21 kung saan pinepredict ng iba na magugunaw na ang mundo dahil ito raw ang katapusan ng kalendaryo ng Mayan at bubuo daw ng alignment ang mga planeta sa solar system na magiging sanhi ng paglapit nito sa araw, ito ba ay nangangahulugan na ang paghuhukom ay malapit na nga? Kaya naman, nung tinanong ako ng isa kong youth kung takot ba ako sa nalalapit na paggunaw ng mundo, ano nga ba ang isasagot ko? Ikaw, kung ikaw ang tatanungin, kung malapit na ang pagdating ng ating tagapagligtas, ikaw ba ay matatakot?

Mga kapatid sa araw na ito, sinasabi ni Juan sa mga tao, nalalapit na ang pagdating ng Diyos, ngunit kasabay nito sinasabi niya na dapat maging mabuti tayo sa ating kapwa at kasabay din nito ang kaniyang pagpapakumbaba at pagtanggi sa kaniyang sarili para sa pagdating ng Panginoon. Ang tanong, dapat ba na matakot tayo sa pagdating ng Panginoon?  Kapag sinabing darating ang Panginoon, at nasa utak ng tao, naku babaha, naku babagyo yan, naku lilindol yan! Kaya naman sadyang natatakot tayo.

May tatlong bagay kung bakit nga ba tayo natatakot sa pagdating ng Panginoon:

Nabanggit ko po nitong nakaraang linggo, ang tungkol sa botohan ng RH Bill nitong ika - 12 ng Disyembre. Naipasa ito sa second reading. Ang sinasabi ng mga tao, napakaraming ng simbahan, kailangan ganito, kailangan ganyan. Kailangan may moral samantalang kailangan lang naman natin ay puksain ang kahirapan. Ito ang hinain nila! Halos galit na galit sila sa Simbahan, dahil kontrabida tayo. Marahil ito ang unang dahilan kung bakit tayo natatakot sa tinatawag na end of the world, dahil maraming demand ang Panginoon. Kailangan maging mabuti, kailangang mabit sa kapwa, kailangang magpatawad, sobrang hirap nito! Mahirap ito para sa mga taong nasanay at nabuhay sa kasalanan.

Pangalawa, lagi nalang nating iniisip na paparusahan tayo ng Panginoon, ngunit hindi natin naiisip at dinarama ang kaniyang pagmamahal at pagpapatawad sa atin!

Pangatlo, tayo mismo sa ating sarili ay hindi handang humarap sa kaniya, dahil alam natin sa ating sarili na kulang na kulang ang paniniwala natin sa kaniya.

Mga kapatid, ang tunay na end of the world ay ang katapusan ng buhay natin. Lahat ay haharap sa kamatayan. Sabi nga, para tayong larong chess, kahit anong posisyon mo, sa huli, babalik at babalik ka sa isang kahon. Ito ang buhay, may katapusan ang lahat, at ito ang end of the world, bawat isa sa atin ay may nakatakdang end of the world, ika nga, may schedule tayo. Ngunit dapat ba tayong matakot at malungkot sa pagdating na ito? Hindi, sapagkat dito natin mararanasan lalo ang Panginoon. Magsaya ka mga tao, sapagkat tungo sa kamatayan, inaabot tayo ng Panginoon.  Kaya naman kapag may kamag - anak tayong mamamatay na, sinasabi na pakawalan na natin siya, sapagkat yun ang paniniwala na sa kabilang buhay nandun ang kapayapaan, sa kabilang buhay nandun ang Diyos. Mga kapatid, we must rejoice to the coming of God, and as we rejoice, let us be humble and love one another. Dahil ang pagdating ng Diyos sa buhay natin, ay parang pagdating ng Ama natin sa ating bahay, na may dalang pasalubong na mga candy at cake, na kung saan itong candy  at cake na ito ang maghahatid sa atin ng kasiyahan, at itong candy at cake ay sumisimbolo sa pagmamahal at pagpapatawad ng Diyos Ama sa atin. 

Rejoice, on the third sunday of advent, first day of the novena for the coming of the baby Jesus in this earth, we celebrate the National Youth Day. At makikita sa mga kabataan ang saya at sigla kung paano nila ito iniaalay sa isang tao o bagay. Rejoice like the Youth of the Church as they give their all, their energy and commitment for God, even if they don't have money. Kaya naman, ang araw na ito ay isa ding paghikayat sa mga kabataan, na ialay ang kanilang oras sa Diyos at patuloy na buuhayin ang kanilang pananampalataya.

Sa araw din pong ito, nakasuot ng kulay rosas na damit ang mga kaparian, simbolo na ang tunay na kasiyahan ay matatagpuan sa pag - ibig. Isang pag - ibig na iaaalay sa ating lahat, ang pag - ibig ng Diyos Ama, ito ay si Hesus! 

Kaya naman, huwag tayong mangamba sa pagdating ng tinatawag na end of the world, bagkus magsaya tayo, sapagkat sa maikling sandali sa mundong ito, naranasan natin ang pagmamahl ng Diyos sa kabila ng pighati at saya, at tunay na tayong magdiwang dahil sa kabilang buhay ito ay mas madarama natin. AMEN!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento