Activate your Faith by reflecting on the Holy Gospels and lives of the blessed and saints!

Linggo, Disyembre 9, 2012

Second Sunday of Advent

Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Luke 3:1-6. 
In the fifteenth year of the reign of Tiberius Caesar, when Pontius Pilate was governor of Judea, and Herod was tetrarch of Galilee, and his brother Philip tetrarch of the region of Ituraea and Trachonitis, and Lysanias was tetrarch of Abilene,
during the high priesthood of Annas and Caiaphas, the word of God came to John the son of Zechariah in the desert.
He went throughout (the) whole region of the Jordan, proclaiming a baptism of repentance for the forgiveness of sins,
as it is written in the book of the words of the prophet Isaiah: "A voice of one crying out in the desert: 'Prepare the way of the Lord, make straight his paths.
Every valley shall be filled and every mountain and hill shall be made low. The winding roads shall be made straight, and the rough ways made smooth,
and all flesh shall see the salvation of God.'"

Reflection: Being God's Voice

Sa linggo pong ito, sisindihan nanaman po muli natin ang ikalawang kandila sa advent wreath. Mga kapatid, sa araw na ito ay ipinahayag at kagitingan ni Juan Bautista. Isang tao, na iisipin natin na wala lang, o alikabok sa buhay ng Panginoon dito sa lupa. Ngunit hindi natin nakikita, na itong si Juan Bautista ay nagpapakita ng isang matatag na pananampalataya. Sa mabuting balita na ating napakinggan o nabasa, ipinahayag doon na hinikayat niya ang mga tao na magbalik loob sa Diyos, na gumawa ng kabutihan sa kapwa, at talikdan ang ating kasalanan. Sinabi niya, na tuwirin natin ang landas na dadaanan ng Panginoon, patambakan ang mga bakobakong daan... Si Juan Bautsita ay ginamit ng Diyos, upang ipakita sa atin na dapat tayong maghanda at talikdan ang ating mga kasalanan para sa pagdating ng Panginoon. Ngunit, nanatili pa rin ang katanungan ngayon "Meroon pa kayang Juan Bautista na kayang ipaglaban ang kaniyang pananampalataya para sa Diyos"

Mga kapatid, sa darating pong Dec. 12, 2012, magkakaroon na po ng botohan tungkol sa malawakang issue ng RH Bill... Isang issue daw na kinasawsawan daw nating mga katoliko. Isang issue, na simple lang daw, na ginagawang komplikado ng mga Pari at Lider ng Simbahan. Mga kapatid, sa araw kayang iyon ay may magsasabi sa gitna ng botohan ng "Talikdan ninyo ang inyong mga kasalanan!" Meron kayang maglalakas loob na sabihin sa mga politiko na nagpatupad ng batas na ito na "Magsisi kayo! Hindi yan ang gusto ng Panginoon".. Meron nga po kayang magbubuwis ng buhay para lang ipaglaban ang kaniyang pananampalataya... Mga kapatid, kung ating iisipin, ipinangako sa atin ang tuwid na landas, ngunit, bakit pilit itong inililiko ng iba? Sa araw na ito, may tatlong bagay na ipinapakita ang katangian at katauhan ni Juan Bautista...

Una, tulad ni Juan Bautista, tayo'y maaaring maging boses ng Diyos. Tama po kayo, si Juan Bautsita ay ginamit ng Diyos upang maging boses niya at ipahayg sa sangkatauhan ang kaniyang pangako. Maaari tayong maging boses sa Diyos sa paraan kung saan ang ating sasabihin ay para sa kapakanan ng ating kapwa. Kaya naman, mga kapatid, ating tanungin ang mga sarili, kelan nga ba tayo naging boses ng Diyos? Kung saan tayo ay tumulong sa ating kapwa, tayo ay nagbahagi ng kaniyang salita, tayo ay dumamay sa mga nalulumbay, at tinulungan natin ang iba na magbago at tahakin ang daan ni Kristo.

Pangalawa, tulad ni Juan Bautista, tayo'y maaaring maging tagapaghanda sa pagdating ng tagapagligtas. Kung atin pong pakikinggan ang mga balita, paulit ulit na sinasabi na malapit na ang katapusan, Dec. 21, 2012 daw? tapos meron pang Dec. 20, 2012. At kapag ang mga tao, anong gagawin mo kung paghuhukom na nga, ang sagot ng ilan, "magshoshopping ako, last na eh", yung iba naman, sasakay daw sa Ferris Wheel, para daw feel na feel. eto na nga ba ngayon, mi wala man lang na magdadasal sila na sana'y sila ay maligtas. Wala man lang sumagot na magdarasal sila, na Lord alam kong hindi totoo yan dahil wala namang makakapagsabi kung kelan ka darating. Mga kapatid sa pananampalataya, paano nga ba tayo maghahanda sa pagdatng ng manunubos? uunahin ba natin ang mga materyal na bagay dahil "last" na daw? oh uunahin nating pagyamanin ang ating espirituwal na katayuan at tatag ng pananampalataya para sa Diyos? Kelang nga ba natin uumpisahan ang paghahanda, kapg ba ito'y nariyan na? o maghahanda tayo kahit malayo pa?

Panghuli, marahil nais iparating sa atin ni Juan Bautista, na ang buhay ay up and down. Na narito na yung katotohanan na tayo'y makasalanan, at minsang pumapalya, ngunit hindi pa huli ang lahat. Kaya nga natin ipinagdariwang ang Pasko ng pagsilang, ito ay tanda ng pag - asa, ng pagkakasundo ng Diyos Ama at ng Sangkatauhan. Ngunit, bilang paghahanda rito, matuto tayong magbalik loob sa Diyos, at ating alalahanin na ang kahulugan ng Pasko ay ang pagabot ng Diyos sa ating mga tao. Kaya naman, sa tuwing tayo'y naaabot ng Diyos, ito ay Pasko. Sa tuwing tayo'y nagdarasal, ito ay Pasko. Sa tuwing tayo'y gumagawa ng mabuti, ito ay Pasko! Mga kapatid, lahat tayo gusto ng Pasko. Sapagkat sa araw na ito, tayo ay nagsasaya, ngunit isang paalala, hindi lang dapat sa mga materyal na bagay magsaya, bagkus matuto tayong magsaya, sapagkat naabot ng Diyos, at naabot natin siya. Tulad ni Juan Bautista, na kahit alam niya na maaari siyang ikulong sa mga salitang binibitawan niya, hindi siya natakot, dahil naniniwala siya, na ang ginagawa niya ay Pasko, sapagkat naaabot siya ng Diyos, at kasama niya ang Diyos.

Ang Pasko ay hindi tungkol sa bastang kasayahan. Ito rin ay tungkol sa matinding pagsasakripisyo ng Ama sa kaniyang Anak para iligtas tayong lahat. Ang batang isisilang ay balang araw, ay papahirapan at mamamatay sa krus. Kung ikaw ang magulang at nalaman mo na ang anak mo ay maghihirap lamang, at papatayin sa krus, ipapanganak po ba siya? Siguro hindi, ganan tayo kahina. Ngunit ipinapakita sa atin, na alam ng Diyos na itong anak ay maghihirap, ngunit ito ay ibinigay pa rin niya sa atin dahil Siya ang katotohanan. Kaya tayo, dahilan ba ang paghihirap upang pigilan ang pagsilang ng isang sanggol? Kapag ba pumasok sa ating isip, na maghihirap tayo kapag dumami ang anak, at maghihirap lamang siya sa mundo, ito ba ay ibig sabihin kailangan nating gumamit ng mga contraceptives para maiwasan ang paghihirap na ito? Mga kapatid sa pananampalatayang Kristiyano, nawa ay maisaisip natin at maisapuso ang mga ipinakita ni Juan Bautista, na tayo ay maaaring maging boses ng Diyos, na dapat tayong maghanda sa pagdating ng Panginoon, at  ang huli, na ang buhay natin ay may kaakibat na paghihirap at pagsasakripisyo na dapat nating pagdaanan upang maging maunlad ang buhay natin. Nawa ang bawat sa isa atin ay hindi lamang maramdaman ang Pasko sa Dec. 25, bagkus ito ay patuloy na maramdaman araw araw, sa pamamagitan ng pag abot ng Diyos sa atin, at pag - abot natin sa Diyos. Amen.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento