Activate your Faith by reflecting on the Holy Gospels and lives of the blessed and saints!

Martes, Disyembre 18, 2012

Ikatlong Araw ng Simbang Gabi


Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Matthew 1:18-24. 
Now this is how the birth of Jesus Christ came about. When his mother Mary was betrothed to Joseph, but before they lived together, she was found with child through the holy Spirit.
Joseph her husband, since he was a righteous man, yet unwilling to expose her to shame, decided to divorce her quietly.
Such was his intention when, behold, the angel of the Lord appeared to him in a dream and said, "Joseph, son of David, do not be afraid to take Mary your wife into your home. For it is through the holy Spirit that this child has been conceived in her.
She will bear a son and you are to name him Jesus, because he will save his people from their sins."
All this took place to fulfill what the Lord had said through the prophet:
Behold, the virgin shall be with child and bear a son, and they shall name him Emmanuel, which means "God is with us."
When Joseph awoke, he did as the angel of the Lord had commanded him and took his wife into his home.

Reflection: Ang aking panaginip

Ilang beses nga ba tayo nanaginip sa isang araw? Ang panaginip nga ba ay nangyayari lamang tuwing  tayo ay tulog? O ito rin ay nanagyayari kahit tayo'y gising? Mga kapatid, sa araw na ito ay ipinaalala sa atin ang pagdalaw ng anghel na si Gabriel sa panaginip ni Jose, asawa ni Maria na Ina ni Hesus. At tulad ni Jose, bilang mga tao, natakot tayong harapin ang katotohonan at panindigan ito.

Ang mabuting balita sa araw na ito ay nagpapaalala sa atin ng dalawang bagay:
Ang panaginip habang tayo'y tulog at ang panaginip habang tayo'y gising.

Ang panaginip habang tayo'y tulog ay tulad ng isang pagharap natin sa katotohonan, ngunit pilit nating tinatanggihan o nilalayuan. Marahil ito ang unang impresyon ni Jose ng malaman niyang buntis si Maria na dapat niyang mapapangasawa. Dito, ang katotohonan ay nagsisilbi lamang isang panaginip kung saan natatakot tayong harapin ito at tanggapin ito. Kaya para sa atin, panaginip lang yan. Ating alalahanin sa ating buhay ng humingi tayo ng sign sa Diyos. "Panginoon, penge pong sign para malamang mahal niya ako" o kaya naman "Lord, pengeng sign kung yayaman pa ako", sa bawat sign na hinhingi natin, marahil ipinakita na sa atin ng Diyos ang sign na ating hinihingi, ngunit hindi natin matutunang tanggapin dahil may mas ineexpect pa tayong sign na darating. Halimbawa po ay ito, Isang araw po, sa aking paglalakad, tinanong ko po ang Diyos, sabi ko Lord, dapat ba akong magresign sa pagiging youth coordinator kasi po Lord ang hirap na, may isa pong sign na bumalandra sa isang kanto ang nakasulat po ay "Be careful in your way" tapos po sa tabi nito may nakalagay na "Enjoy your ride" hindi ko po ito pinansin, kasi kahit sino naman po ang makakakita nun ay balewala lang, depende nalang kung may kotse ka. Sabi ko po ulit, Lord wala pa bang sagot diyan? Kanina pa ko tanong ng tanong sa'yo, pero ang nasa isip ko po, sana may sign na lumabas na sumuko na ako! Pagkauwi ko po, saka ko lamang po naaalala yung sign na nakita ko sa kanto, at nasabi ko sa sarili ko, siguro yun yung hinihingi kong sign, pero hindi ko ito pinansin dahil mayroon akong gustong makita. Mga kapatid, ito yung panaginip habang tulog, na ipinapakitaa na sa atin yung katotohanan ngunit nanatili tayong tulog. At Marahil ito ang magpapaalala sa atin, na may napakagandang plano sa atin ang Diyos, na hindi natin nakikita dahil nanaginip tayo sa mga sarili nating plano sa buhay. Samantalang ang panaginip habang gising ay tumutukoy na gising tayo sa katotohanan na ang buhay dito sa daigdig ay dapat ilaan hindi lamang sa panaginip bagkus sa katotohanan. Marahil ito ay ang pag - iisip ng tama at ng katotohanan para sa kapwa natin at para sa Diyos. Nakakalungkot nga lang pong isipin, na marami sa atin ngayon ang takot harapin ang katotohonan at namuhay nalang sa pagtulog at pananaginip, na hindi man lang nila sinubukang bumangon at managinip ng gising para sa ating kapwa.

Kahapon nga lamang po ay naaprobahan na ang RH Bill sa third reading sa kamara at second reading sa Kongreso. Nakakalungkot pong isipin na ang mga representante po na bumubuo sa ga nasabing parte ng gobyerno ay mga nanaginip sa kanilang mga sariling plano, bagkus hindi sila gumising upang harapin ang katotohanan na plano ng Diyos. At patuloy po tayong magdasal, na hindi maisatupad ang batas na ito, ang huling hantungan nalang po ay ang pagpirma at pagaproba ng Presidente sa nasabing batas. At magdasal pa rin po tayo na sana, masilaw ang ating Presidente sa flash ng camera habang kukuhanan siya sa kaniyang pagpirma sa batas na ito, at doon sa Flash na yun ay makita niya si Hesus at marealize niya ang maidudulot ng batas na ito sa ating bansa, mas maraming babaeng maghihirap, mga sanggol na mamamatay ng walang kamalaymalay, mga kabataang mapapariwa at mga pamilyang nasira. At tungo rito, masasabi niya na mali ito, at dapat niyang tahakin ang tuwid na landas kasama ang Diyos at ang kaniyang turo sa pamamagitan ng paggabay ng simbahan.

Kaya naman sa araw na ito, sa ating mga sariling panaginip, nawa sumagi sa ating isipan na kelangan hindi lang ako mamuhay sa panaginip ng aking sariling nais, bagkus magising din ako upang harapin ang plano ng Diyos at tanggapin ito ng buongbuo. Amen.

Linggo, Disyembre 16, 2012

Faithbook @ Twitter

Activate your Faith on twitter: Follow us! https://twitter.com/faithbook02

Ikalawang Araw ng Simbang Gabi


Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Matthew 1:1-17. 
The Book of the genealogy of Jesus Christ, the son of David, the son of Abraham.
Abraham became the father of Isaac, Isaac the father of Jacob, Jacob the father of Judah and his brothers.
Judah became the father of Perez and Zerah, whose mother was Tamar. Perez became the father of Hezron, Hezron the father of Ram,
Ram the father of Amminadab. Amminadab became the father of Nahshon, Nahshon the father of Salmon,
Salmon the father of Boaz, whose mother was Rahab. Boaz became the father of Obed, whose mother was Ruth. Obed became the father of Jesse,
Jesse the father of David the king. David became the father of Solomon, whose mother had been the wife of Uriah.
Solomon became the father of Rehoboam, Rehoboam the father of Abijah, Abijah the father of Asaph.
Asaph became the father of Jehoshaphat, Jehoshaphat the father of Joram, Joram the father of Uzziah.
Uzziah became the father of Jotham, Jotham the father of Ahaz, Ahaz the father of Hezekiah.
Hezekiah became the father of Manasseh, Manasseh the father of Amos, Amos the father of Josiah.
Josiah became the father of Jechoniah and his brothers at the time of the Babylonian exile.
After the Babylonian exile, Jechoniah became the father of Shealtiel, Shealtiel the father of Zerubbabel,
Zerubbabel the father of Abiud. Abiud became the father of Eliakim, Eliakim the father of Azor,
Azor the father of Zadok. Zadok became the father of Achim, Achim the father of Eliud,
Eliud the father of Eleazar. Eleazar became the father of Matthan, Matthan the father of Jacob,
Jacob the father of Joseph, the husband of Mary. Of her was born Jesus who is called the Messiah.
Thus the total number of generations from Abraham to David is fourteen generations; from David to the Babylonian exile, fourteen generations; from the Babylonian exile to the Messiah, fourteen generations.

Reflection: Every Generation with God.

Mga kapatid, sa pangalawang araw ng ating simbang gabi, ipinahayag ang family tree ng Panginoong Hesus. Ngunit marahil maitatanong natin, nasaan ang mabuting balita dito? Bakit kailangan pang isulat sa bibliya ang pinagmulan ni Hesus gayong wala naman tayong masyadong makikita dito kung di puro pangalan na napakahirap banggitin at puro pangalan na hindi na natin kilala lalo na kapag di tayo nagsisimba at nagbabasa ng bibliya? :D Ano nga ba ang gusto nitong iparating sa atin? Kapag sinabi sa atin na si Hesus ay galing sa angkan ni David, ang sagot nating mga katoliko, ":Ano ngayon? Di ko naman kilala si David?" Oh hindi ba?
Ilapat natin yan sa sarili nating nakaraan, lagi nating sinasabi, naku nakaraan na yan, indi na yan dapat balikan. Marahil masasabi natin, huwag na nating balikan ang pinaggalingan o nakaraan ni Hesus, dahil sa likod ng mga taong iya, nandyan yung kasalanan, kasakiman at marami pang iba. Parang tayo, sasabihin nating, huwag ng balikan ang nakaraan natin, dahil nandyan lang yung sakit, nandya lang yung pasakit at kabiguan. Bakit nga ba kailangan nating balikan pa ang nakaraan ng Panginoon bago magPasko?  Gaano nga ba kahalaga ito bilang mensahe sa ating lahat?

May tatlong mensahe ang nais iwan ng generation ng Panginoon para sa ating lahat, lalo't higit sa paglapit natin sa Kapaskuhan.

Una, Nakiisa pa rin ang Panginoon sa atin kahit tayo'y makasalanan. Alam natin na lahat tayo ay makasalanan, ngunit pinili pa rin ng Panginoon na bumaba sa lupa, at maging parte ng makakasalanag tao. Siya ay Diyos, pero mas pinili ng Ama na magmula siya sa isang Henerasyong maraming pagkukulang ata pagkakamali, ang sangkatauhan. Ito ay isang pagpapaalala, na kaisa natin ang Panginoon, sa kabila ng ating mga kasalanan, patuloy pa rin niya tayong binbiyayaan at inililigtas. Isa itong mensahe ngayong kapaskuhan, na nagpapaalala sa atin, ng ang Diyos, ay hindi kailanman sumuko sa pagmnamahal sa atin na sa kahit ilang beses nating pagkakamali at pagkakasala, pinili pa rin ng Diyos na tayo'y mahalin at patawarin.
Unang Mensahe: He became one of us! God wanted to be one of us to bring us the message that He will never leave us. At ito marahil ang hamon sa ating lahat ngayong kapaskuhan, na nawa, patuloy nating makaisa ang Diyos sa pamamagitan ng pakikiisa natin sa kabutihan. Matuto nawa tayong makaisa ang ibang tao, kahit na sinaktan nila tayo, kahit na may kasalanan sila sa atin, matuto tayong patawarin sila at tanggapin sa kabila ng kanilag kahinaan, tulad na sa kung paano nakipag isa ang Diyos sa atin, sa pamamagitan ni Hesus.

Pangalawa, Sa bawat Generation natin, patuloy tayong ginagabayan ng Panginoon. Kaya naman, bawat sandali ng ating buhay, kabahagi natin ang Panginoon. Kasama natin siya, at meron siyang magandang plano sa bawat isa. Sa lahat ng mga pangalan doon sa pinagmulan ni Hesus, sino nga ba doon ang magaakala na sa Henerayon na yun magmumula ang tagapagliagtas? Kaya naman ang malaking tanong sa atin, sa ating buhay araw araw, sino nga ba ang magaakala na balang araw ma napakagandang plano ang nakahanda sa atin? Kaya naman mga kapatid, sa bawat minuto ng ating buhay, kahit ilang beses tayong nabigo, patuloy pa ring ipinapaalala na nariyan pa rin si Hesus na magiging pag - asa natin, magiging tanglaw at magiging kadamay. Kaya naman sa bawat misyon na hindi natatapos, nandyan ang ating Diyos, na nagpapadala ng kaniyang banal na espirito upang palakasin tayo at iparamdam sa atin kung gaano niya tayo kamahal.
Ikalawang Mensahe: God  is our Hope as He guide us! At ito ang magbibigay sa atin ng lakas ng loob upang lumaban pa sa buhay na ito, dahil ito ay magsisilbing motivation, na sa bawat araw, may MAGANDANG PLANO ANG DIYOS SA ATIN!

Lastly, It is only Jesus who can make everthing ok. At ang family tree na ito ang magpapaalala sa atin, na sa umpisa at huli, sa Diyos pa rin tayo. At ang bawat pangyayari, ay may dahilan. Kaya naman, ang bawat kahilingan natin ngayong kapaskuhan ay idaan natin sa panalangin, dahil tungo dito, naabot natin ang Panginoon. At ito ang panghuli mensahe, na pagdating ni Hesus, naaabot ng Diyos ang tao, at naaabot ng tao ang Diyos. Kaya naman, ito ang diwa ng Pasko, at dapat nating tandaan, na sa tuwing nakakaranas tayo ng biyaya, sa tuwing nagdarasal tayo, tayo ay naaabot ng Diyos, at ito ay tatawagin nating Pasko.

Ngayon po ay pagbobotohan sa Senado ang RH Bill, samantalang third reading na po sa kamara ang panukalang batas na ito. Mga kapatid, nito lamang pong ika - 12 ng Disyembre, ay naipasa sa second reading sa kamara ang batas na ito, ngunit hindi po tayo susuko, sapagkat patuloy po tayong naniniwala na malaki ang babaguhin ng batas na ito sa ating bansa. Meroon pong isang comment ang nabasa ko after po ng botohan, at ito po yung sabi sa comment:

"So god can bring a typhoon, kill a thousand innocent men women and children, but does not have the power to control a vote?

That god certainly has problems......"
Isa po itong patunay, na ang RH Bill, ay magiging sanhi ng pagkatigil ng kapaskuhan, o ang pagtigil ng pagabot natin sa Diyos. Ito po yung dulot ng RH Bill, hindi lamang sa ating pisikal na katawan ngunit sa atin ding espirituwal na katayuan. Kaya naman, patuloy tayong pinapaalalahanan, maranasan sana natin ang Pasko, sa pagdarasal natin ngayon laban sa panukalang ito, maranasan natin ang Pasko sa paghahangad ng kabutihan para sa ating basa at ating kapwa kapatid sa pananampalataya. Pahalagahan natin ang buhay, ang patuloy natin isigaw sa lahat na ang buhay ay simbolo ng pagmamahal ng Diyos at ito marahil ay isang simbolo ng kapaskuha, dahil sa buhay na ito, dito tayo unang naabot ng Diyos.

Ang family Tree ni Hesus, ay magsisilbing isang pagpapaliwanag sa atin na tayo ay may Diyos na kaisa natin, na tagapag gabay natin at pag - asa sa atin. Kaya naman itanong natin sa ating sarili, sa buong taog 2012, ilang beses ko nga ba naramdaman ang kapaskuhan, ilang beses ko nga bang naramdama na inabot ako ng Panginoon, at Naabot ko ang Panginoon? Amen.

Sabado, Disyembre 15, 2012

National Youth Day 2012

Kabataan. Isang salita na minsang tinawag na pag - asa ng bayan, at inihalintulad sa kayamanan ng simbahan. Ang salitang ito ang halos kumakatawan sa napakalaking porsyento ng ating populasyon. At tunay na malaki ang magagawa nila kapag sila ay nagsamasama. Kaya naman, ngayong ika - 16 ng Disyembre, pinagdiriwang natin ang Pambansang Taon ng Kabataan, nawa ito ay magsilbing paalala sa lahat na may mga kabataan pa ring nanatiling pag - asa ng lahat. At ito rin ay magsisilbing paghikayat sa mga kabataan na patuloy pag alabin ang kanilang pananampalataya sa Diyos, at tahakin ang landas na tinahak niya, patungo sa kabutihan. Samahan ninyo ako sa isang panalangin para sa mga kabataang ito.

Panalangin para sa mga kabataan

Panginoong Diyos,
Ang mga kabataan ang nilaan mo upang maging
pinuno na papalit sa aming henerasyon.
Sila, na minsan ding nadarapa sa kanilang buhay,
at natutukso sa mga kasalanan.
Mga kabataan,
na minsang takot harapin ang katotohanan,
takot masaktan,
at takot mahirapan.
Ngunit Panginoon,
sila ang mga kabataan na may lakas,
at marami pang magagawa sa kanilang buhay.
Patuloy nawa silang maging masigla
lalo't higit sa paglilingkod sa iyo.
Nawa, makatulong namin sila sa paglaban
sa tama, at pagwawasto sa mali.
Panginoon, patuloy mo silang gabayan,
patuloy mo silang mahalin sa kabila ng kanilang kahinaan,
Nawa Panginoon,
sila ay maging tanglaw din sa kanilang kapwa kabataan,
at akayin ang mga naliligaw ng landas patungo
sa iyo.
Sa tulong ng aming Inang Maria,
nawa ay hindi nila makalimutan,
na kasama ka nila sa lahat ng hamon sa kanilang buhay.
Ito ang aming dalangin,
sa Pangalan ni Hesus.
Amen.

Panalangin ng mga Kabataan
Panginoon, bilang isang kabataan,
marami akong pagkukulang at pagkakamali sa'yo.
At nawa mapatawad mo ako dito,
sapagkat ako'y mahina at pawang madaling matukso.
Ngunit kahit po ganun,
patuloy pa rin akong nagsisikap magmahal sa mundong ito,
lalo't higit ang mahalin ang isang Diyos na katulad mo.
Panginoon, marahil nasa amin nga ang lakas, enerhiya, at talino
na kailanga ng marami,
ngunit ang aming isip ay kailangan pa rin ng gabay,
para sa pagdedesison nito sa aming buhay.
Kaya naman Panginoon, kami ay patuloy na tumatawag sa iyo,
bilang mga nalalapit na maging lider sa takdang panahonm
nawa kami ay patuloy biyayaan ng pasensiya para
matuto kaming maghintay,
biyayaan mo kami ng
matinding pag - unawa sa mga bagay na hindi namin maintindihan,
upang unti unti naming matanggap ang iyong nais.
Nawa Panginoon, makatulong ako para
sa iyong bayan,
kahit mahirap, kahit madaming sakripisyo,
kakayanin ko, para lamang sa'yo.
Mahal na Inang Maria, lagi mo kaming
aakayin patungo sa iyong anak na si Hesus,
lagi mong hawakan ang aming kamay upang sa aming pagkadapa,
kami'y makatayo agad.
Ito ang aming pagsamo't dalangin,
sa pangalan ni Hesukristong Panginoon,
na naghahari kasama Mo a ng
Espirito Santo Magpasawalang hanggan. Amen.

San Juan Bosco, Patron ng mga Kabataan
Ipanalangin mo kami

Third Sunday of Advent


Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Luke 3:10-18. 

And the crowds asked him, "What then should we do?" 
He said to them in reply, "Whoever has two cloaks should share with the person who has none. And whoever has food should do likewise." 
Even tax collectors came to be baptized and they said to him, "Teacher, what should we do?" 
He answered them, "Stop collecting more than what is prescribed." 
Soldiers also asked him, "And what is it that we should do?" He told them, "Do not practice extortion, do not falsely accuse anyone, and be satisfied with your wages." 
Now the people were filled with expectation, and all were asking in their hearts whether John might be the Messiah. 
John answered them all, saying, "I am baptizing you with water, but one mightier than I is coming. I am not worthy to loosen the thongs of his sandals. He will baptize you with the holy Spirit and fire.
His winnowing fan is in his hand to clear his threshing floor and to gather the wheat into his barn, but the chaff he will burn with unquenchable fire."
Exhorting them in many other ways, he preached good news to the people. 

Reflection: Should I Rejoice to the coming of God?

A little while ago, kasama po ako ng mga kabataan ng aming Parokya, at pinaguusapan namin ang tungkol sa Illuminati. Sabi nila, ito daw ay tumutukoy sa mga artista, o holywood na ibinenta ang kaluluwa kay satanas para lang maging sikat. Nasa isip ko, kung sumisikat sila, marahil katapusan na ng mundo para sa atin? Isa nga ba itong simbolo na darating na ang Panginoon upang puksain ang masasama? Pangalawa, noong isang linggo po ay inimbitahan po ako ng kaibigan kong seminarista na dumalaw sa Seminario nila, doon po ay may pagdiriwang na family day, ngunit nadelay po ang oras, dahil ang lahat ay nakatutok sa laban ng ating si Manny Pacqiuao. Ngunit itong si Manny ay naknock out sa ring. Pagkauwi ko po ay nagbasa po ako ng mga post sa facebook at nakita kong sa tuwing may laban si Manny, ay may trahedyang nagagnap after daw ng 13 days, kaya naman nagbilang ako ng 13days mula sa laban niya, at yun ay december 21 kung saan pinepredict ng iba na magugunaw na ang mundo dahil ito raw ang katapusan ng kalendaryo ng Mayan at bubuo daw ng alignment ang mga planeta sa solar system na magiging sanhi ng paglapit nito sa araw, ito ba ay nangangahulugan na ang paghuhukom ay malapit na nga? Kaya naman, nung tinanong ako ng isa kong youth kung takot ba ako sa nalalapit na paggunaw ng mundo, ano nga ba ang isasagot ko? Ikaw, kung ikaw ang tatanungin, kung malapit na ang pagdating ng ating tagapagligtas, ikaw ba ay matatakot?

Mga kapatid sa araw na ito, sinasabi ni Juan sa mga tao, nalalapit na ang pagdating ng Diyos, ngunit kasabay nito sinasabi niya na dapat maging mabuti tayo sa ating kapwa at kasabay din nito ang kaniyang pagpapakumbaba at pagtanggi sa kaniyang sarili para sa pagdating ng Panginoon. Ang tanong, dapat ba na matakot tayo sa pagdating ng Panginoon?  Kapag sinabing darating ang Panginoon, at nasa utak ng tao, naku babaha, naku babagyo yan, naku lilindol yan! Kaya naman sadyang natatakot tayo.

May tatlong bagay kung bakit nga ba tayo natatakot sa pagdating ng Panginoon:

Nabanggit ko po nitong nakaraang linggo, ang tungkol sa botohan ng RH Bill nitong ika - 12 ng Disyembre. Naipasa ito sa second reading. Ang sinasabi ng mga tao, napakaraming ng simbahan, kailangan ganito, kailangan ganyan. Kailangan may moral samantalang kailangan lang naman natin ay puksain ang kahirapan. Ito ang hinain nila! Halos galit na galit sila sa Simbahan, dahil kontrabida tayo. Marahil ito ang unang dahilan kung bakit tayo natatakot sa tinatawag na end of the world, dahil maraming demand ang Panginoon. Kailangan maging mabuti, kailangang mabit sa kapwa, kailangang magpatawad, sobrang hirap nito! Mahirap ito para sa mga taong nasanay at nabuhay sa kasalanan.

Pangalawa, lagi nalang nating iniisip na paparusahan tayo ng Panginoon, ngunit hindi natin naiisip at dinarama ang kaniyang pagmamahal at pagpapatawad sa atin!

Pangatlo, tayo mismo sa ating sarili ay hindi handang humarap sa kaniya, dahil alam natin sa ating sarili na kulang na kulang ang paniniwala natin sa kaniya.

Mga kapatid, ang tunay na end of the world ay ang katapusan ng buhay natin. Lahat ay haharap sa kamatayan. Sabi nga, para tayong larong chess, kahit anong posisyon mo, sa huli, babalik at babalik ka sa isang kahon. Ito ang buhay, may katapusan ang lahat, at ito ang end of the world, bawat isa sa atin ay may nakatakdang end of the world, ika nga, may schedule tayo. Ngunit dapat ba tayong matakot at malungkot sa pagdating na ito? Hindi, sapagkat dito natin mararanasan lalo ang Panginoon. Magsaya ka mga tao, sapagkat tungo sa kamatayan, inaabot tayo ng Panginoon.  Kaya naman kapag may kamag - anak tayong mamamatay na, sinasabi na pakawalan na natin siya, sapagkat yun ang paniniwala na sa kabilang buhay nandun ang kapayapaan, sa kabilang buhay nandun ang Diyos. Mga kapatid, we must rejoice to the coming of God, and as we rejoice, let us be humble and love one another. Dahil ang pagdating ng Diyos sa buhay natin, ay parang pagdating ng Ama natin sa ating bahay, na may dalang pasalubong na mga candy at cake, na kung saan itong candy  at cake na ito ang maghahatid sa atin ng kasiyahan, at itong candy at cake ay sumisimbolo sa pagmamahal at pagpapatawad ng Diyos Ama sa atin. 

Rejoice, on the third sunday of advent, first day of the novena for the coming of the baby Jesus in this earth, we celebrate the National Youth Day. At makikita sa mga kabataan ang saya at sigla kung paano nila ito iniaalay sa isang tao o bagay. Rejoice like the Youth of the Church as they give their all, their energy and commitment for God, even if they don't have money. Kaya naman, ang araw na ito ay isa ding paghikayat sa mga kabataan, na ialay ang kanilang oras sa Diyos at patuloy na buuhayin ang kanilang pananampalataya.

Sa araw din pong ito, nakasuot ng kulay rosas na damit ang mga kaparian, simbolo na ang tunay na kasiyahan ay matatagpuan sa pag - ibig. Isang pag - ibig na iaaalay sa ating lahat, ang pag - ibig ng Diyos Ama, ito ay si Hesus! 

Kaya naman, huwag tayong mangamba sa pagdating ng tinatawag na end of the world, bagkus magsaya tayo, sapagkat sa maikling sandali sa mundong ito, naranasan natin ang pagmamahl ng Diyos sa kabila ng pighati at saya, at tunay na tayong magdiwang dahil sa kabilang buhay ito ay mas madarama natin. AMEN!

Biyernes, Disyembre 14, 2012

Schedule ng Misa sa Simbang Gabi

Mamayang gabi ay magsisimula na ang simbang gabi sa mga ilang barangay na nasasakupan ng Bayan ng Bay. Samantalang magsisimula naman mamayang madaling araw, ang simbang gabi, sa ganap na ika - 4 ng umaga, sa Parokya ni San Agustin. Narito ang Schedule ng Misa para sa Simbang Gabi sa Parokya at ang misa sa darating na Pasko

Kumg inyo pong mapapansin, may mga nakalaang alay sa bawat araw ng simbang gabi. Ang mga alay pong ito ay parte ng "Pamaskong Handog" ng Parokya. Lahat po ng mga ito ay ipamimigay sa 500 indigent families sa ating Bayan.


Simbang Gabi 2012

Bukas ng gabi, ay muli nanamang magsisimula ang Siyam na Gabi na pagnonobena para sa dakilang pagsilang ng ating manunubos. Ito muli ang simbang gabi, kung saan ang bawat tao ay gumigising ng maaga o kaya naman nagsisimba ng gabing gabi (depende sa mga schdule ng misa) bilang kanilang paghahanda rin sa nalalapit na kapaskuhan. Ngunit, marami sa atin, na kaya gustong buuin o kaya gustong magsimba tuwing simbang gabi ay dahil nais nilang matupad ang kanikanilan mga hiling sa darating na Pasko. Ngunit mga kapatid, nawa ay makita natin na ang tunay na diwa ng Pasko ay hindi tungkol sa pagtupad sa mga kahilingan, bagkus ito ay pagtupad sa isang pagtawag, isang pagtwag na magdadala sa atin sa kaligtasan at kapayapaan. Samahan niyo ako sa Siyam na gabing ito at ating pag - uusapan ang mensahe ng bawat mabuting balita na ipapaabot sa atin ng Poong Maykapal. Amen.

Ang schedule ng misa sa Parokya ni San Agustin Bay, Laguna ay ipopost ko sa mga susunod na araw.


Lunes, Disyembre 10, 2012

Pag - ilaw ng Pananampalataya

Ang Parokya ni San Agustin, kasabay ng pagdiriwang nito ng Kapaskuhan, ay naglunsad ng programang tinatawag na Christmas Tree Lightning. Dito binuksan ang ilaw ng Christmas Tree sa tabi ng Simbahan (sa may Sampung Utos) gayundin ang pagliwanag ng buong labas ng simbahan dahil sa makukulay na ilaw na ikinabit dito. Dito, binigyang pansin ni Rev. Fr. Jessie Somosierra, Jr. (Kura Paroko) ang kahalagahan ng isang puno sa ating pananampalataya. Mga Puno na kung saan minsang naging parte ng buhay ng mga banal at ni Hesus. Sa akin namang pagninilay, tulad ng Christmas Tree, ang pananampalataya nawa natin ay patuloy na maging makukulay na ilaw na nagbibigay liwanag sa ating buhay. Ang Ilaw at palamuti ang ating pananampalataya, samantalang ang puno ang sumisibolo sa ating buhay. Ating pakatandaan, na tayo'y magkakaroon ng ganda, kahit ano man ang edad natin, kung tayo ay magtatayo o maglalagay ng pananampalatay sa buhay natin. Isang pananampalataya na magdadala sa atin hindi lamang sa pagningning na pisikal na katayuan bagkus pati ang ating espiritwal na kaanyuan. Tunay na ramdam na ang kapaskuhan sa Parokya ni San Agustin, sa bayan ng Bay, Laguna dahil sa mga desenyong ito at preparasyong ginagawa para sa pagdiriwang ng pagsilang ng ating manunubos na si Hesukristo.


















Linggo, Disyembre 9, 2012

Second Sunday of Advent

Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Luke 3:1-6. 
In the fifteenth year of the reign of Tiberius Caesar, when Pontius Pilate was governor of Judea, and Herod was tetrarch of Galilee, and his brother Philip tetrarch of the region of Ituraea and Trachonitis, and Lysanias was tetrarch of Abilene,
during the high priesthood of Annas and Caiaphas, the word of God came to John the son of Zechariah in the desert.
He went throughout (the) whole region of the Jordan, proclaiming a baptism of repentance for the forgiveness of sins,
as it is written in the book of the words of the prophet Isaiah: "A voice of one crying out in the desert: 'Prepare the way of the Lord, make straight his paths.
Every valley shall be filled and every mountain and hill shall be made low. The winding roads shall be made straight, and the rough ways made smooth,
and all flesh shall see the salvation of God.'"

Reflection: Being God's Voice

Sa linggo pong ito, sisindihan nanaman po muli natin ang ikalawang kandila sa advent wreath. Mga kapatid, sa araw na ito ay ipinahayag at kagitingan ni Juan Bautista. Isang tao, na iisipin natin na wala lang, o alikabok sa buhay ng Panginoon dito sa lupa. Ngunit hindi natin nakikita, na itong si Juan Bautista ay nagpapakita ng isang matatag na pananampalataya. Sa mabuting balita na ating napakinggan o nabasa, ipinahayag doon na hinikayat niya ang mga tao na magbalik loob sa Diyos, na gumawa ng kabutihan sa kapwa, at talikdan ang ating kasalanan. Sinabi niya, na tuwirin natin ang landas na dadaanan ng Panginoon, patambakan ang mga bakobakong daan... Si Juan Bautsita ay ginamit ng Diyos, upang ipakita sa atin na dapat tayong maghanda at talikdan ang ating mga kasalanan para sa pagdating ng Panginoon. Ngunit, nanatili pa rin ang katanungan ngayon "Meroon pa kayang Juan Bautista na kayang ipaglaban ang kaniyang pananampalataya para sa Diyos"

Mga kapatid, sa darating pong Dec. 12, 2012, magkakaroon na po ng botohan tungkol sa malawakang issue ng RH Bill... Isang issue daw na kinasawsawan daw nating mga katoliko. Isang issue, na simple lang daw, na ginagawang komplikado ng mga Pari at Lider ng Simbahan. Mga kapatid, sa araw kayang iyon ay may magsasabi sa gitna ng botohan ng "Talikdan ninyo ang inyong mga kasalanan!" Meron kayang maglalakas loob na sabihin sa mga politiko na nagpatupad ng batas na ito na "Magsisi kayo! Hindi yan ang gusto ng Panginoon".. Meron nga po kayang magbubuwis ng buhay para lang ipaglaban ang kaniyang pananampalataya... Mga kapatid, kung ating iisipin, ipinangako sa atin ang tuwid na landas, ngunit, bakit pilit itong inililiko ng iba? Sa araw na ito, may tatlong bagay na ipinapakita ang katangian at katauhan ni Juan Bautista...

Una, tulad ni Juan Bautista, tayo'y maaaring maging boses ng Diyos. Tama po kayo, si Juan Bautsita ay ginamit ng Diyos upang maging boses niya at ipahayg sa sangkatauhan ang kaniyang pangako. Maaari tayong maging boses sa Diyos sa paraan kung saan ang ating sasabihin ay para sa kapakanan ng ating kapwa. Kaya naman, mga kapatid, ating tanungin ang mga sarili, kelan nga ba tayo naging boses ng Diyos? Kung saan tayo ay tumulong sa ating kapwa, tayo ay nagbahagi ng kaniyang salita, tayo ay dumamay sa mga nalulumbay, at tinulungan natin ang iba na magbago at tahakin ang daan ni Kristo.

Pangalawa, tulad ni Juan Bautista, tayo'y maaaring maging tagapaghanda sa pagdating ng tagapagligtas. Kung atin pong pakikinggan ang mga balita, paulit ulit na sinasabi na malapit na ang katapusan, Dec. 21, 2012 daw? tapos meron pang Dec. 20, 2012. At kapag ang mga tao, anong gagawin mo kung paghuhukom na nga, ang sagot ng ilan, "magshoshopping ako, last na eh", yung iba naman, sasakay daw sa Ferris Wheel, para daw feel na feel. eto na nga ba ngayon, mi wala man lang na magdadasal sila na sana'y sila ay maligtas. Wala man lang sumagot na magdarasal sila, na Lord alam kong hindi totoo yan dahil wala namang makakapagsabi kung kelan ka darating. Mga kapatid sa pananampalataya, paano nga ba tayo maghahanda sa pagdatng ng manunubos? uunahin ba natin ang mga materyal na bagay dahil "last" na daw? oh uunahin nating pagyamanin ang ating espirituwal na katayuan at tatag ng pananampalataya para sa Diyos? Kelang nga ba natin uumpisahan ang paghahanda, kapg ba ito'y nariyan na? o maghahanda tayo kahit malayo pa?

Panghuli, marahil nais iparating sa atin ni Juan Bautista, na ang buhay ay up and down. Na narito na yung katotohanan na tayo'y makasalanan, at minsang pumapalya, ngunit hindi pa huli ang lahat. Kaya nga natin ipinagdariwang ang Pasko ng pagsilang, ito ay tanda ng pag - asa, ng pagkakasundo ng Diyos Ama at ng Sangkatauhan. Ngunit, bilang paghahanda rito, matuto tayong magbalik loob sa Diyos, at ating alalahanin na ang kahulugan ng Pasko ay ang pagabot ng Diyos sa ating mga tao. Kaya naman, sa tuwing tayo'y naaabot ng Diyos, ito ay Pasko. Sa tuwing tayo'y nagdarasal, ito ay Pasko. Sa tuwing tayo'y gumagawa ng mabuti, ito ay Pasko! Mga kapatid, lahat tayo gusto ng Pasko. Sapagkat sa araw na ito, tayo ay nagsasaya, ngunit isang paalala, hindi lang dapat sa mga materyal na bagay magsaya, bagkus matuto tayong magsaya, sapagkat naabot ng Diyos, at naabot natin siya. Tulad ni Juan Bautista, na kahit alam niya na maaari siyang ikulong sa mga salitang binibitawan niya, hindi siya natakot, dahil naniniwala siya, na ang ginagawa niya ay Pasko, sapagkat naaabot siya ng Diyos, at kasama niya ang Diyos.

Ang Pasko ay hindi tungkol sa bastang kasayahan. Ito rin ay tungkol sa matinding pagsasakripisyo ng Ama sa kaniyang Anak para iligtas tayong lahat. Ang batang isisilang ay balang araw, ay papahirapan at mamamatay sa krus. Kung ikaw ang magulang at nalaman mo na ang anak mo ay maghihirap lamang, at papatayin sa krus, ipapanganak po ba siya? Siguro hindi, ganan tayo kahina. Ngunit ipinapakita sa atin, na alam ng Diyos na itong anak ay maghihirap, ngunit ito ay ibinigay pa rin niya sa atin dahil Siya ang katotohanan. Kaya tayo, dahilan ba ang paghihirap upang pigilan ang pagsilang ng isang sanggol? Kapag ba pumasok sa ating isip, na maghihirap tayo kapag dumami ang anak, at maghihirap lamang siya sa mundo, ito ba ay ibig sabihin kailangan nating gumamit ng mga contraceptives para maiwasan ang paghihirap na ito? Mga kapatid sa pananampalatayang Kristiyano, nawa ay maisaisip natin at maisapuso ang mga ipinakita ni Juan Bautista, na tayo ay maaaring maging boses ng Diyos, na dapat tayong maghanda sa pagdating ng Panginoon, at  ang huli, na ang buhay natin ay may kaakibat na paghihirap at pagsasakripisyo na dapat nating pagdaanan upang maging maunlad ang buhay natin. Nawa ang bawat sa isa atin ay hindi lamang maramdaman ang Pasko sa Dec. 25, bagkus ito ay patuloy na maramdaman araw araw, sa pamamagitan ng pag abot ng Diyos sa atin, at pag - abot natin sa Diyos. Amen.

First Sunday of Advent


Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Luke 21:25-28.34-36. 
There will be signs in the sun, the moon, and the stars, and on earth nation
s will be in dismay, perplexed by the roaring of the sea and the waves.
People will die of fright in anticipation of what is coming upon the world, for the powers of the heavens will be shaken.
And then they will see the Son of Man coming in a cloud with power and great glory.
But when these signs begin to happen, stand erect and raise your heads because your redemption is at hand."
Beware that your hearts do not become drowsy from carousing and drunkenness and the anxieties of daily life, and that day catch you by surprise
like a trap. For that day will assault everyone who lives on the face of the earth.
Be vigilant at all times and pray that you have the strength to escape the tribulations that are imminent and to stand before the Son of Man."

Reflection:
Advent is here again. Tunay, na kapag naririnig na natin ang salitang Adbiyento sa mga misa, nasasabi nating malapit na ang Pasko! Uumpisahan nanaman muling sindihan ang mga advent wreath sa mga misa sa lahat ng simbahan. Ano nga ba ang kahulugan ng adbiyento? at ano ang nais iparatng nito sa bawat tao?

"Advent" means "coming", isang patunay ito na may parating! Ngunit mga kapatid, sino nga ba ang parating? at paano tayo maghahanda sa darating na ito?

Tunay na tuwing nalalapit ang Kapaskuhan, marami tayong inihahanda, naghahanda tayo sa mga darating na bisita, naghahanda tayo kung anong bibilihin, gamit ang Christmas Bonus. Excited tayo dahil maraming pagkain, maraming bagong damit, maraming bagong regalo. Ngunit natanong na ba natin sa ating sarili, sino ang darating sa Kapaskuhan? Sino ang tunay na pupunta sa atin sa araw na pinakahihintay nating dumating?

Mga kapatid sa pananampalataya, ang mabuting balita sa araw na ito ay ipanapakita na sa pagdating ni Hesus, ang kabutihan ay mangingibaw sa kasamaan. Ang pagbibigayan ay mas makikita kesa sa kasakiman. At ang pag - ibig ay mangunguna sa galit at poot. Si Hesus ang darating! Ito marahil ang dahilan ng Pasko! Isang panahon na magpapaalala sa atin, na sa pagsilang ng manunubos, mangingibabaw ang kabutihan at pagmamahal sa kasamaan. Kaya naman, paano ba tayo naghahanda sa pagdating Niya? Kung tayo ay naghahanda ng mga magagarang damit para maging maayos tingnan ang ating sarili sa mga darating na bisita sa ating bahay, kung tayo ay naghahanda ng masasarap na pagkain para sa mga bisitang ating pakakainin, ngayon itanong natin sa ating sarili, handa ba ang ating espiritwal na kaanyuan sa pagdating ng ating tagapagligtas? Tayo ba ay humingi ng tawad at nagpatawad upang maging malinis tayo at maayos ang ating espiritwal na anyo para sa Panginoon? Matibay ba ang ating pananampalataya para sa pagdating Niya?

Kahapon nga po, kung kayo po ay magbubukas ng facebook, makikita niyo ang mga post ng mga tao, ang nakalagay "Welcome December! Its Christmas Again!" Tama po yun mga kapatid! Ang Pasko ay naririto nanaman! Everyone welcomes December, but the question is, are we prepared to welcome God this December, this Christmas? Are we prepared enough to give, to act a reverence of kindness and to love for God, not just this Christmas, but also in the remaining days of our lives?

Today, we are reminded by God, that here is the Hope! A hope that shows us that the Good will triumph over evil. Meaning to say, that Jesus brings hope to every weary, broken hearted, sinners, hungry, thirst and even dying, because through His coming, we will be save, we will be forgiven and we will be love by Him! Jesus is the Hope, are we prepared to accept Him in your homes? in your Heart? Amen.