Activate your Faith by reflecting on the Holy Gospels and lives of the blessed and saints!

Linggo, Pebrero 17, 2013

February 18, 2013: Monday of the Fist Week of Lent

Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Matthew 25:31-46. 

Jesus said to his disciples: «When the Son of Man comes in his glory, and all the angels with him, he will sit upon his glorious throne,
and all the nations will be assembled before him. And he will separate them one from another, as a shepherd separates the sheep from the goats.
He will place the sheep on his right and the goats on his left.
Then the king will say to those on his right, 'Come, you who are blessed by my Father. Inherit the kingdom prepared for you from the foundation of the world.
For I was hungry and you gave me food, I was thirsty and you gave me drink, a stranger and you welcomed me,
naked and you clothed me, ill and you cared for me, in prison and you visited me.'
Then the righteous will answer him and say, 'Lord, when did we see you hungry and feed you, or thirsty and give you drink?
When did we see you a stranger and welcome you, or naked and clothe you?
When did we see you ill or in prison, and visit you?'
And the king will say to them in reply, 'Amen, I say to you, whatever you did for one of these least brothers of mine, you did for me.'
Then he will say to those on his left, 'Depart from me, you accursed, into the eternal fire prepared for the devil and his angels.
For I was hungry and you gave me no food, I was thirsty and you gave me no drink,
a stranger and you gave me no welcome, naked and you gave me no clothing, ill and in prison, and you did not care for me.'
Then they will answer and say, 'Lord, when did we see you hungry or thirsty or a stranger or naked or ill or in prison, and not minister to your needs?'
He will answer them, 'Amen, I say to you, what you did not do for one of these least ones, you did not do for me.'
And these will go off to eternal punishment, but the righteous to eternal life."

Reflection: Selfishness to Selflessness

Today, we are reminded about how should we treat our brothers and sisters especially those who are in need. Almsgiving o pagbibigay ng limos, isa ito sa pinakamahalagang elemento sa panahon ng kuwaresma, sapagkat tungo dito, naibabahagi natin kung anong meron tayo at natututo tayong magalay din ng buhay sa ating kapwa tulad na sa kung paano nagalay ng buhay si Hesus para sa ating lahat. Mga kapatid, sinabi nga ni Hesus, kung ano ang ginawa mo sa isa sa mga kapatid ko, ito ay ginawa mo na din sa akin. Kaya naman atin sanang maisip na ang bawat gagawin natin sa ating kapwa ay ginagawa din natin sa ating Panginoon. Kaya naman ngayong panahon ng kuwaresma tayo ay iniimbitahan na mula sa pagiging SELFISH tayo ay mapunta sa pagiging SELFLESS. Tayo pong mga tao, minsan halos sarili nalang ang iniisip natin. Kapag nga po tutugtug na ang ang Unang Alay sa simbahan at lalapit na ang mga nangongolekta habang tayo'y nagsisimba, kaniya kaniya na tayong baling. Kahit magacrobat na tayo wag lang tayong makapagbigay. Kaya naman kapag tinanong ng pari ang sakristan kung magkano ang kolekta, papatunugin ang bell na maliit "gaTITING gaTITING gaTITING" at kapag narinig ito ng sakristan na nasa malaking kampana hudyat na po iyon na kakalembangin ang malaking bell "DAGDAGAN DADAGAN DAGDAGAN" ayan kaya may second collection tayo! Ang unti ng binibigay ninyo! Naalala ko nga po yung kuwento sa isang mahirap ng parokya, sa sobrang hirap ng parokya yung pari daw nag asawa na, wala kasing nagooffer o nagbibigay! Ngayon nalaman ito ng Obispo kaya sabi ng Obispo: "Nakakaawa naman ang pari ko, madalaw nga baka may maitulong ako" Ngayon po pinuntuhan na nung Obispo yung pari, pagpasok ng Obispo sa parokya, ang dami nakasampay, mayroong pangbatang damit, may pangbabae, at may panglalaki na din, may mga kumot pa! Nang makita ng pari ang OBispo, humagulgol kaagad ang Pari! BIISSHOPP!! BIISSHHOP!, sumagot ang Obispo, "Anak, oo makikinig ako sa'yo anak! Pero sagutin mo muna ang tanong ko, bakit ang daming nakasampay dito kanino bang mga damit yan" sumagot ang pari humagulgol ulit "BISSSHHHOOP! yUN NA NGA BISSHOP, SA SOBRANG HIRAP NG PAROKYAAA, TUMANGGAPP NA AKO NG LAABAADA AT PLANTSAHIN!" Ayan mga kapatid, dahil walang nagbibigay pati ang pari naging labandero na! Kapatid, ang mga binibigay natin sa simbahan ay ang ating pasasalamat sa Panginoon. Kapag tayo ay nagbigay parang sinabi mo sa Diyos na "Lord ito ang biyaya mo, ibabahagi ko sa kapwa ko" sapagkat ito namang mga binibigay ninyo ay ginagamit ng simbahan sa mga gawaing pastoral. Pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo, pagbibigay serbisyo sa lahat ng tao at marami pang iba. Pero tayo, hiyang hiya tayo magbigay! Eto ba tayong mga Katoliko? Kuripot! Mga kapatid, ating tatandaan, kapag tayo nagbigay para sa Panginoon, hindi tayo mawawalan sapagkat tayo ay lalung nadadagdagan. Almsgiving, magbigay tayo para sa Panginoon. Eh brother ilang ba dapat ang binibigay namin? Dapat ang ibibgay natin ay TAOS, LUBOS AT KAPOS, dahil kapag kapos kang nagbigay sa Panginoon lalu kang magiging sagana at ang babalik sa'yo ay SIKSIK, LIGLIG AT UMAAPAW. Ngayong kuwaresma, huwag nating kalimutang dasalin ang panalangin ng pagiging bukas palad. Maging bukas nawa ang ating palad b ilang pagpapakita ng pagmamahal natin sa ating kapwa at higit na pagmamahal natin sa Diyos. At tungo sa pagbibigay, matututunan natin na hindi na maging makasarili ngunit maging isang tao na nagaalay ng kaniyang buhay para sa kaniyang kapawa at para sa kaniyang Diyos. Amen.

February 17, 2013: First Sunday of Lent

Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Luke 4:1-13.

Filled with the holy Spirit, Jesus returned from the Jordan and was led by the Spirit into the desert
for forty days, to be tempted by the devil. He ate nothing during those days, and when they were over he was hungry.
The devil said to him, "If you are the Son of God, command this stone to become bread."
Jesus answered him, "It is written, 'One does not live by bread alone.'"
Then he took him up and showed him all the kingdoms of the world in a single instant.
The devil said to him, "I shall give to you all this power and their glory; for it has been handed over to me, and I may give it to whomever I wish.
All this will be yours, if you worship me."
Jesus said to him in reply, "It is written: 'You shall worship the Lord, your God, and him alone shall you serve.'"
Then he led him to Jerusalem, made him stand on the parapet of the temple, and said to him, "If you are the Son of God, throw yourself down from here,
for it is written: 'He will command his angels concerning you, to guard you,'
and: 'With their hands they will support you, lest you dash your foot against a stone.'"
Jesus said to him in reply, "It also says, 'You shall not put the Lord, your God, to the test.'"
When the devil had finished every temptation, he departed from him for a time.

Reflection: Temptation Island

Sino na po sa atin ang nakapanood na ng isang pelikula ng GMA na pinamagatang: Temptation Island. Sa palabas pong ito nakita natin na natrap ang mga models kasama ng mga kalalakihan at isang bading sa isang isla ng lumubog ang kanilang barko. Ngayon mga kapatid tinanong ko ang aking sarili kung bakit temptation island ang tawag sa isla na kanilang napuntahan? Paano nga ba natin malalaman kung ang ating kinatatayuan ay isang temptation island?

Sa unang linggo po ng kuwaresma, ipinahayag sa ating mabuting balita kung paano tinukso ang ating Panginoon habang siya ay nananalangin. Tunay na si Hesus ang Diyos, ngunit dahil Siya ay nagkatawang tao, naranasan din niyang tuksuhin ng demonyo. Kung si Hesus na Diyos ay tinukso, tayo pa kayang tao na may kaniya kaniyang kahinaan din. Alam ng Demonyo kung ano ang kahinahan ng bawat isa kaya naman doon tayo tinatraget nito. Alam ninyo mga kapatid, kapag ang demonyo ay nanukso, dapat swabe! Hindi po yan magpapakita ng pangil, sungay at bundot, bagkus magpapakita yan ng isang bagay na nakakaakit sa inyo, na magugustuhan ninyo. At ito nga ang ginawa sa Panginoon, inalok siya ng kung ano anong bagay na makakapagpahulog sa kaniya sa tukso. Ngunit mga kapatid, saan nga ba tayo madalas matukso?
Tinutukso tayo sa mga bagay na kulang sa atin. Kaya nga masasabi natin na ang ating mundo ay isang temptation island, bakit? Sapagkat sa mundong maraming kulang, marami tayong hinahangad at marami tayong kailangan. Ilang beses na tayong pinaalalahanan ng Diyos na matuto tayong ibigay kung ano yung nararapat sa atin, ngunit tayong mga tao, masyado tayong nagmamadali. Para tayong mga bata na inutusang huwag munang maglaro dahil mainit sa labas, ngunit dahil sabik tayong maglaro, nagpatuloy pa rin tayo kaya tayo nagkasakit. Mahilig tayong sumugal at kumapit sa tinatawag na patalim, at ito ang kasalanan. Mga kapatid, namuo na sa ating mga Pilipino ang katagang "kapag gipit, sa patalim kumakapit" kaya naman mas marami tayong nararanasan na kagipitan sapagkat ito pala ay isang tukso upang lumapit ka sa patalim ng kasalanan. Totoo mga kapatid, may mga bagay tayo na minsan hindi natin maintindihan o maunawaan, mga panahon na hindi natin lubusang mapagtanto kung kailan talaga, mga kahilingan ng hindi natin malirip kung kailan ipagkakaloob, tunay na kulang tayo sa kaalaman, kaya naman minsan mas pinipili nalang natin na magpadala sa agos ng buhay at magpadala sa tukso. Minsang may isang seminarista na tinanong ng pari, "O brother, kapag ba ikaw ay natutuksng gumawa ng mahahalay na bagay, ineentertain mo ba ang tuksong ito?" sumagot ang seminarista "hindi po father, pero po sila ang nageentertain sakin ang saya po!" Ayan, ganyan tayong mga tao, sa oras na bigyan ng pagkakataon na mapasaya tayo ng tuksong ito, dito maguumpisa ang pagkakataong makalimutan ang buhay ng pagiging banal, ang buhay ng pagiging anak ng Diyos. Mga kapatid, ngayong kuwaresma napakaraming tukso, naalala ko po nitong nakaraang miyerkules ng abo, nagtungo po kami sa isang Feb Fair sa UP, sa araw pong iyun sinasabi na dapat magfastin at magabstinensya, mahigpit na ipinagbabawal ang pagkain ng karne. Makikita ninyo po ang napakaraming katoliko doon. Masasabi ninyong katoliko sila sapagkat may krus sila sa noo. Ngunit nakakalungkot lamang po, na kahit may krus sila sa noo, naandun sila sa ihaw ihawan, kumakain ng bituka ng manok, bituka na baboy, inihaw na dugo, barbecue, yung iba nakashawarma beef pa, yung iba naman sarap na sarap sa fried chicken at beef steak, for sure kayo din ngayon habang nababasa't napapakinggan ninyo ito naglalaway kayo. Mga kapatid totoong maraming tukso ngayong kuwaresma, dahil maraming bawal, marami ang natutuwang gawin ang bawal. Kaya nga ang tanong sa atin ngayon, magpapatukso ba ako, o lalabanan ko ang tukso? Kaya naman doon sa palabas na temptation island inyong mapapansin, nagaaway away na sila, sapagkat sila ay gutom hindi lamang sa pagkain bagkus gutom sila sa tunay na pagmamahal ng bawat isa at uhaw na uhaw sa mga bagay na kulang sa kanila. Kaya naman, ano dapat ang gawin natin kung tayo ay tinutukso? Ang pinakamabisang solusyon diyan ay ang manalangin. MAnalangin ka kapatid, hindi para sabihin sa Diyos na: "Lord, kailangan ko lang talaga to, kaya sorry ha, isang beses lang naman ako gagawa ng kasalanan." Magpapaalam pa tayo sa Diyos na gagawa tayo sa kasalanan, nakakahiya, anong mararamdaman ng Panginoon. Dapat ang ipagdasal mo: "Lord, tulungan mo akong labanan ang tuksong ito, ipadala mo sa akin ang anghel mo." Dapat kang manalangin na sa kahit anong hirap na nararamdaman mo sa Panginoon ka pa rin sasagpi, hindi yung magpapaalam ka pa na gagawa ka ng kasalanan, parang politika lang yan, nasa isang partido ka, tapos magpapaalam ka sa head ninyo na tutulungan mo yung kalaban ng partido ninyo sa pangangampanya, joke ba to! Kapatid, kahit kulang kulang ang mundong ito, ginawa ni Hesus ang lahat hindi para kumpletuhin ang daigdig, ngunit para buuin at bigyan ng saysay ang buhay mo! May nagtanong, eh brother, naiwasan ni Hesus ang tukso sapagkat Diyos siya, hindi kaya to sapagkat tao lang tayo. Huwag sana ganito ang maging pananaw natin, ating tandaan, nung tayo ay bininyagan tayo ay naging kabahagi ng PagkaDiyos ni Hesus, at nung nagpakasakit at namatay si Hesus sa krus, hindi ka lamang naging kabahagi ng PagkaDiyos niya bagkus naging parte ka pa ng buhay Niya. Mga kapatid sa temptation Island na ito handa ka bang magtiis maghirap? Kaya patuloy tayong iniimbitahan na sana kapag tayo'y nagigipit huwag tayo sa patalim kumapit bagkus matuto tayong sa Diyos at sa kaniyang biyaya lumapit! Amen.


Biyernes, Pebrero 15, 2013

February 16, 2013: Saturday After the Ash Wednesday


Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Luke 5:27-32. 

Jesus saw a tax collector named Levi sitting at the customs post. He said to him, «Follow me.» 
And leaving everything behind, he got up and followed him.
Then Levi gave a great banquet for him in his house, and a large crowd of tax collectors and others were at table with them.
The Pharisees and their scribes complained to his disciples, saying, "Why do you eat and drink with tax collectors and sinners?" 
Jesus said to them in reply, "Those who are healthy do not need a physician, but the sick do. 
I have not come to call the righteous to repentance but sinners." 

Reflections: Standing up as a sinner

Today's Gospel reminds us that everyone of us is a sinner. Everyone of us experience to fall from the temptation of the evil. And we must also remember that this is the reason why God brought us His son to us. Jesus came upon this world not just to testify the truth but also to heal our broken lives. Yes, our lives were broken because of sin. Our lives were broken because of the pain that this world brings. My dear brothers and sisters today as we are in the lenten season, we are encourage to acknowledge that we are sinners and we need a doctor, and that is Jesus. But acknowledging our sins is never enough to enter God's Kingdom. We must be like the tax collector, Levi, who stands from the table of sin, invite Jesus in his home and followed Him. The lent may bring us to the new us, a holy one indeed! And may the suffering of Jesus be meaningful for us, because remember, he came to release our hearts from sin. Amen.

Huwebes, Pebrero 14, 2013

Saint of the Day


St. Walfrid: February 15

Walfrid, or Galfrido della Gherardesca, is an eighth-century saint from Pisa. Though he had six children with his long-time wife, Thesia, he and Thesia chose to enter the religious life. He was one of the founders of the Abbey of Palazzuolo on Monte Verde; his wife and one of his daughters took the veil in a convent built nearby. His favorite son, Gimfrid, caused Walfrid a great deal of trouble when he ran away from the monastery. Caught and permanently injured in his right hand, a penitent Gimfrid was brought back to the monastery, which he proceeded over after Walfrid's death.
Walfrid died in 765 CE, and was sainted in 1861. His feast day is February 15.

February 5, 2013: Friday After Ash Wednesday


Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Matthew 9:14-15. 

The disciples of John approached Jesus and said, «Why do we and the Pharisees fast much, but your disciples do not fast?»

Jesus answered them, "Can the wedding guests mourn as long as the bridegroom is with them? The days will come when the bridegroom is taken away from them, and then they will fast.







Reflection: We fast because we love


Fasting is primarily the act of willingly abstaining from all food, drink, or both, for a period of time. Ano nga ba ang pagpapakahulugan natin sa Fasting? Mga kapatid, alam natin na tuwing kuwaresma tayo ay iniimbitihan na mag FASTING o kaya naman ay magkaroon ng pagsasakripisyo sa pamamagitan ng pagbabawas ng ating mga nakagawian. At ang magandang halimbawa na nga nito ay ang pagkain. Nasanay tayo na kumakain tayto ng tatlong beses sa isang araw, may merienda pa minsa. At ngayong kuwaresma, iniimbitahan tayo na kumain lamang ng sapat o kaya naman isang beses sa isang araw at tayo ay iniimbitahang maramdaman ang gutom. Ngunit mga kapatid ang Fasting ay hindi lamang tumutukoy sa pagkain bagkus ito din ay tumutukoy sa pagbabawas ng ating mga luho sa buhay. Kaya itatanong ko sa inyo ngayon, para saan ba ang ating pagaayuno o Fasting? Anong mapapala dito? Bakit ito ay kailangan gawin tuwing Kuwaresma. Mga kapatid marami sa atin ang nagaayuno ngunit hindi alam ang kahulugan kung bakit nila ginagawa yun. Yung iba, para magyabang lang na nakikiisa siya, kapag tinanong kung bakit ginagawa ang pagaayuno, ay hindi na alam ang isasagot. Mgta kapatid, ang pagaayuno ba natin ay mapupunta lamang sa wala? Kaya naman sa araw ito sinabi Panginoon sa mabuting balita "Can the wedding guests mourn as long as the bridegroom is with them? The days will come when the bridegroom is taken away from them, and then they will fast" Binigyan niya ng kahulugan ang pag aayuno, at ito ay ang pagnanais na makasama siya sa dulo ng ating buhay. Ang pagaayuno ay tungkol sa pagsasakripisyo ngunit ito ay tungkol din sa pagmamahal sa Diyos. At dahil sa pagmamahal ninais nating makaisa siya sa hirap na kaniyang dinanas, sa krus na kaniyang binuhat at sa gutom na kaniyang nadama. We Fast because we love. In order to love God we must have Christ in our heart. For Christ is the reason why we Fast and why we love. My dear brothers and sisters, nawa ang ginagawa ngayong kuwaresma ay hindi lamang mapunta sa kawalan.NAwa ang ating pagaayuno at pagaabstinensya ay hindi lamang dahil sa wala o kaya tinatawag na trip lang. Nawa itong ginagawa natin ay magsilbing daan upang maramdaman si Kristo at higit na makaisa Siya sa buhay nating magulo. Remember, We fast because we love, we love because we are the one who first loved by Jesus. Kaya naman, ang pagtawag sa ating magayuno ay tulad ng bilin ng Panginoon sa mga apostoles ng magdadasal Siya sa halamanan: "Watch and Pray!" an invitation of sacrificial love with Him. Amen.

Miyerkules, Pebrero 13, 2013

Valentine's Day


Sa araw na ito ay ipinagdiriwang natin ang Valentine's Day. Isang araw para sa tinatawag nating puso na may misyong magmahal. At ang araw na ito ay hindi lamang para sa mga taong na sa isang commitment tulad ng mag - asawa o kaya naman ay may boyfriend o girlfriend. Ngunit ang araw na ding ito ay para sa mga taong nagmahal, nagsakripisyo at nagalay ng oras at buhay para sa iba. Dito natin makikita ang pagmamahal ng mga magulang sa anak gayundin ang anak sa magulang, narito din ang pagmamahal ng isang totoong kaibigan at higit sa lahat nandito din ang pagmamahal ng Diyos na siyang lumikha sa ating lahat at tumubos sa ating mga kasalanan. 

Pagmamahal, isang salitang may malalim na kahulugan ngunit simpleng larawan, at ang larawan nito ay ang puso. Isang puso na dapat magbukas upang magbigay ng pagmamahal sa iba at tumanggap ng pagpapakumbaba at pagpapatawad. Isang puso na dapat magbukas sa bawat habag na mararamdaman nito sa iba. At Isang puso na handang tanggapin ang plano ng Diyos, mahirap man o masaya! At sa araw na ito, tayong lahat ay pinapaalalahanan, na patuloy nawang umusbong ang ating pagmamahalan sa isa't isa, at ito ay isang dakilang utos mula sa Panginoon. Kaya naman, nawa ang bawat isa ay matutong magbigay ng pagmamahal lalu't higit sa mga nakasakit sa kanila.

Wag po tayong magpakainggit sa mga magkakaholding hands sa araw na ito, wag tayong mainggit sa mga nag - aI Love Yuhan sa araw na ito, wag tayong mainggit sa mga taong may kadate sa araw na ito, sapagkat makasama mo lamang ang iyong pamilya sa bahay at magsalo salo kayo, ito ay katumbas na ng isang date. Makapagpasalamat ka lang sa isang kaibigang totoo sa iyo, ito ay katumbas na ng matatamis na I Love You. At hawakan mo lamang ang sarili mong kamay, pagdikitan ang iyong mga palad, isang simbolo ng pananalangin, ito ay katumbas na ng mahigpit na hawak kamay, mas higit pa dito, sapagkat hawak mo ang palad ng Diyos. Amen.

Martes, Pebrero 12, 2013

Miyerkules ng Abo (Ash Wednesday)

Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Matthew 6:1-6.16-18. 

         Jesus said to his disciples: «Take care not to perform righteous deeds in order that people may see them; otherwise, you will have no recompense from your heavenly Father. 

         When you give alms, do not blow a trumpet before you, as the hypocrites do in the synagogues and in the streets to win the praise of others. Amen, I say to you, they have received their reward.But when you give alms, do not let your left hand know what your right is doing, so that your almsgiving may be secret. And your Father who sees in secret will repay you. When you pray, do not be like the hypocrites, who love to stand and pray in the synagogues and on street corners so that others may see them. Amen, I say to you, they have received their reward. But when you pray, go to your inner room, close the door, and pray to your Father in secret. And your Father who sees in secret will repay you.

         When you fast, do not look gloomy like the hypocrites. They neglect their appearance, so that they may appear to others to be fasting. Amen, I say to you, they have received their reward.
But when you fast, anoint your head and wash your face, so that you may not appear to be fasting, except to your Father who is hidden. And your Father who sees what is hidden will repay you.

Reflection: Lent: Bringing ourselves to the cross

Sa araw pong ito ay sinisimulan na natin ang kuwaresma, o ang apatnapung (40) araw ng pag - aayuno at abstinensya. Ito rin ay panahon ng paggunita sa pagpapakasakit at pag aalay ng buhay ng ating Panginoon at paghahanda sa Pasko ng muling pagkabuhay. Ang Kuwaresma ay nagsisimula sa pagpapahid ng mga abo sa ating mga noo bilang tanda ng ating pinagmulan at ang magiging kawakasan. Ngunit mga kapatid, patuloy na ipinababatid ng Diyos sa atin ng kahit tayo ay marumi at makasalanan tulad ng abo, tayo ay kaniyang minahal at pinag - alayan ng buhay para lamang sa ating kaligtasan. Kaya naman, ang mga abong ito ay tanda na dapat tayong magpakumbaba, manalangin at magpakabanal. At ang pagiging mapagkumbaba at banal ay hindi tungkol sa pagmamalaki at pagpapakitang tao lamang, bagkus dapat itong makita sa puso at espirito, hindi sa panlabas na kaanyuan lamang. Ang maganda po sa kuwaresma ay tahimik ang mga batikang chismosa sa parokya. Lahat po ay namamahinga. Ate eto pa po ang nakakainis sa ating mga Pilipino tuwing papasok ang kuwaresma, lahat po tayo ay nagpapgalingan. Sasabihin ng isa, "Ako tatlong beses akong nagrorosaryo sa isang araw" at babanat naman ang isa "Ako, limang beses akong nagrorosaryo, hangga't hindi bumubula bibig ko sa pagrorosaryo hindi ako titigil!" Meron naman pog isang ale na nagsabing "Araw araw akong nagsisimba" at sasabatan ng isa "Ako lahat ng misa sa aming parokya sa buong araw sinisimbahan ko, hangga't di ako nadighay sa kakain ng ostsa di ako titigil!" Nakakatawa di ba mga kapatid? Ngunit ito po ay realidad, tuwing kuwaresma lahat tayo nagpapagalingan, patagalan lumuhod, patagalan magdasal, patagalan magsimba kahit masarahan na ng simbahan. Kaya nga nais iparating sa atin ng Diyos na isabuhay natin ang ating mga ginagawa hindi yung pakitang tao lang tayo. Padasal dasal nga kayo, batikang chismosa pa rin kayo. Padasaldasal kayo, may kaaway naman kayo... Padasaldasal kayo, kapag naman nasingitan kayo sa pila sa CR kung ano ano ang sinasabi ninyo. Kaya nga patuloy sa ating ipinapaabot sa araw na ito na isa ka lamang abo, isang makasalanan, huwag kang magmalaki at magumpisa kang magsisi ng iyong kasalanan. Ang kuwaresma ay tungkol sa pag iwas sa tukso! Napakarami pong tukso sa panahong ito. Sasapagkat alam ng demonyo ang ating mga kahinaan. Kaya nga ibinibigay sa atin ang mga paraan upang makaiwas tayo sa tukso. Nandyan ang fasting at pananalangin. Ang fasting po ay hindi lamang sa pagkain, maari itong gamitin sa mga bagay na nakugalian natin o mga luho natin. Kung mahilig kang magcellphone, ngayong panahon ng kuwaresma, bawasan mo ang pagloload, magfb ka nalang! Kung madali kang kang manuod ng sine, bawasan mo may pirated naman! haha Mga kapatid, napakaraming tukso sa mundong ito kaya tinatawag tayo upang kontrolin ang ating mga sarili, kaya importanteng kilala mo ang iyong sarili, alam mo ang iyong kahinaan ng sa ganun, maipagdasal mo na ang kahinaan mong ito ay maging kalakasan mo sa tulong ng biyaya ng Panginoon. 

Sa panahon pong ito, nawa lahat ng ating gagawin ay magdala sa atin sa krus ni Hesus. Sabi nga po sa aking tema ngayong Kuwaresma, Lent: Bringing ourselves to the cross. Ilapit natin ang ating sarili sa krus, ang simbolo ng pagpapakasakit at pagliligtas ni Kristo sa sangkatauhan. Nawa, hindi lamang natin titigan si Hesus na nagbubuhat ng krus, bagkus, makasama natin siya sa pagbubuhat din ng krus para sa ibang tao. Magsisi ka at manampalataya sa mabuting balita, ang pagsisi ay kaakibat na pagsasakripisyo at ang pananampalataya sa mabuting balita ay may kaakibat na kabanalan ng puso, isip at buong katauhan. Kaya ngayon, itanong natin sa ating sarili, ano nga ba ang dapat kong baguhin? Ano ang dapat kong talikdan? Ano ang dapat kong pagsisihan? At nawa matagpuan natin ang krus ni Hesus sa panahong ito at magdala sa atin sa buhay kabanalan.

Panghuli mga kapatid, ang kuwaresma ay hindi tulad ng senakulo o drama lang, pagktapos ay balik nanaman tayo sa dati nating gawain. Nawa, ang lahat ng matutunan natin at mpagnilayan natinsa panahong ito, ay dalhin natin hanggang sa panahon na humarap tayo sa Panginoon. Amen.