Activate your Faith by reflecting on the Holy Gospels and lives of the blessed and saints!
Linggo, Abril 28, 2013
Fifth Sunday Sunday of Easter: April 28, 2013
Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint John 13:31-33a.34-35.
When Judas had left them, Jesus said, “Now is the Son of Man glorified, and God is glorified in him.
(If God is glorified in him,) God will also glorify him in himself, and he will glorify him at once.
My children, I will be with you only a little while longer. You will look for me, and as I told the Jews, 'Where I go you cannot come,' so now I say it to you.
I give you a new commandment: love one another. As I have loved you, so you also should love one another.
This is how all will know that you are my disciples, if you have love for one another."
Reflection: Pag - ibig na di nagmamaliw.
In everyday of life, we think and we work. Ito yung daily routine ng ating buhay, ang kumilos at mag - isip. Kahit ikaw ay nakatigil sa isang tabi, ikaw ay may ginagawa, at ito ang pag - iisip gayundinman kapag ikaw ay gumagalaw, ikaw ay may ginagawa sapagkat ikaw ay kumikilos. Ngunit mga kapatid, minsan hindi natin naiisip na sa bawat pagliwanag ng ating kaisipan at sa bawat galaw ng ating katawan, ang buhay natin ay umiikot sa salitang kinilala nating "Pag - ibig" na nagbibigay sa atin ng isang kilos o gawain na kinilala nating "MAGMAHAL." Nagmamahal tayo araw araw, minamahal natin ang ating sarili, ang ibang tao, ang Diyos at ang mga bagay na nakapaligid sa atin. Ang taong walang pagmamahal ay hindi nabubuhay. Sapagkat kung ating iisipin, ang pagmamahal ay nagmumula sa puso. Kung hindi ka nagmamahal, ika'y walang puso. At dahil wala kang puso, walang magsusuply ng dugo sa buo mong katawan, tunay na ikaw ay mamamatay. Ating itanong sa ating sarili ngayong oras na ito, sino o ano nga ba ang minamahal ko?
Tunay na naniniwala ako na ang lahat ng tao ay nakaranas ng magmahal at mahalin. Mababaw mang pagmamahal o malalim. Sapagkat, ang magmahal ay isang gawaing hindi man nakikita ng iba, ngunit patuloy namang nagpapaikot ng mundo natin. Bakit tayo nagmamahal? Sapagkat ang pagmamahal ay nagdudulot ng isang masayang pakiramdam sa ating buhay. Napakasarap mabuhay kapag may nagmamahal at may minamahal ka. Dahil tungo sa pagmamahal, dito mo mararamdamang hindi ka nag - iisa. Ngunit ang pagmamahal ay hindi lamang tungkol sa kasiyahan, bagkus ito rin ay tungkol sa paghihirap at pagsasakripisyo.Walang nagmahal ang hindi nasaktan, walang nagmahal ang hindi nahirapan. Sapagkat ang pagmamahal ay isang trabahong paghihirapan mo ngunit magpapasaya sa'yo. At nakakalungkot isipin, na sa modernong panahon natin, marami na ang takot maghirap at magsakripisyo para sa iba - takot magmahal. Sapagkat, idinikit na nila sa salitang pagmamahal ang sakit, ang hirap at problema. At ito ay isang nakakalungkot na katotohanan. Bakit? Dahil, sa patuloy na pagbabago ng imahe ng pagmamahal, patuloy na ring nagbabago ang buhayt ng tao. Unti unting namamatay ang espirito ng tao sapagkat sila ay umayaw na sa pagmamahal.
Sa linggong ito, sa ika - 5 linggo ng muling pagkabuhay, bumalik tayo sa gabi bago dakpin si Kristo, sa gabi kung saan siya ay ipinagkanulo. Ngunit, hindi ibig sabihin nito, na paghihirap ang mensahe ng mabuting balita ngayon, bagkus ibinigay sa atin ang isang napakahalagang utos, ang magmahalan tayo tulad ng pagmamahal ni Kristo. Ang pagmamahal ni Kristo ay nagpapakita sa atin ng tatlong bagay:
Una, Ito ay walang hinihinging kapalit. A love which is Unconditional, a love which dosn't anything.
Pangalawa, Pag - ibig na tumatanggap. Ito yung pag - ibig na kaya kang tanggapin maging sino ka man. Ito yung pag - ibig na handa kang tanggapin at patawarin kahit madami kang nagawang pagkukulang at kasalan.
At pangatlo, Ito ay ang pag - ibig, na di nagmamaliw. Isang pag - ibig na kailanman hindi mamatay, isang pag - ibig na kailanman hindi magwawakas. At ito ay isang napakahalagang mensahe ng muling pagkabuhay ni Kristo. Nabuhay siya sapagkat niya tayo, sapagkat tanggap niya tayo! At hindi namatay kailanman ang pag - ibig ni Kristo, dahil, hanggang may nanailing pusong tumitibok sa munbdong ito, ang pag - ibig niya ay patuloy na magningning at magliliwanag.
Ngunit, tunay na may nakakalungkot na parte sa pag - ibig, at ito ang paghihiwalay. Nang ibilin ni Kristo na magmahalan kayo tulad ng pagmamahal ko sa inyo, sa mga sandaling iyon, ang kaniyang puso ay puno na hirap at sakit. At sinabi niya "My children, I will be with you only a little while longer." Nangangahulugang, sa ilang sandali na lamang ay hindi na nila kapiling pisikal si Kristo, sapagkat bubuhatin niya ang krus, maghihirap at mamamatay dahil sa pagmamahal. Ngunit ito ay niyakap ni Kristo, ang sakit at hirap ay niyakap ni Kristo. At ito ang salamin ng pag - ibig ng Diyos na nais na ipaggawa sa atin. Magmahal sana tayo, ng siksik, liglig at umaapaw. Magmahal sana tayo kahit nandyan ang hirap at pasakit.
Sabi ko nga po kagabi sa aking kaibigan, isang buwan nalang tayong magkakasama, sapagkat ako ay papasok na sa seminaryo. Nang sabihin ko ito, may lungkot sa aking mga mata, may sakit akong nadama sa aking puso. Mahirap mapahiwalay sa mga taong mahal mo, at minamahal ka. At tinanong niya sa akin, "tutuloy ka ba talaga?" sabi ko "Oo. Tutuloy ako sapagkat ito ang pagmamahal ko." At kung ako ang tatanungin mga kapatid, bakit gusto kong magpari? ang tanging sagot ko lamang ay dahil MAHAL KO ANG DIYOS at MARAMI PA AKONG GUSTONG MAHALIN. Lagi nga po sa'kin ng iba, marami namang magmamahal sa'yo kahit hindi ka pari, nandiyan ang pamilya mo, nandiyan ang mga kaibigan mo. Sayang ang babae, sa guwapo mong yan! Ngunit lagi kong iniisip, marami nga akong mahal, ngunit nais kong iparamdam din sa iba, tulad ng mga taong inakalang nag - iisa sila, tulad ng mga taong iniisip na wala ng pag - asa ang buhay nila, tulad ng mga taong kapos palad, tulad ng mga taong makasalanan, nais kong iparamdam sa kanila na mahal sila ng Diyos, at hindi pa huli ang lahat. Kahit masakit at kahit mahirap, kailangan kong iwanan ang mga taong mahal ko upang mahalin pa ang sambayanan ang Diyos at paglingkuran pa ang banal na Panginoon. At ito ang mensahe ni Kristo sa linggong ito, magmahal ka ng walang limitasyon. Mahalin mo hindi lamang ang mga taong mahal ka din bagkus mahalin mo ang mga taong hindi ka minahal at hindi ka pinahalagahan. Love not only the lovable but also love the unlovable.
Sa panahon ngayong mga kapatid, ang salitang "I LOVE YOU" ay katulad na ng salitang "Kamusta ka na" nawawala ang tunay na kahulugan, bakit, sapagkat lagi itong may kduksong, I LOVE YOU BECAUSE. I LOVE YOU IF. At minsan sasabihin pa "I LOVE YOU...................Joke!" Nakakatawang isipin pero ito ang katotohanan, kaya naman sa linggong ito maalala sana natin ang pag - ibig ni Krist na hindi nagmamaliw, isang pag - ibig na walang kondisyon at walang limitasyon.At sana, sa bawat pagsasabi natin ng I LOVE YOU sa kapwa natin, isama natin si Kristo. Magmahal ka sa pamamagitan ni Kristo! At ito yung mahalaga, sapagkat ang tunay na pagmamahal ay ang Diyos. Ang Diyos ang pag - ibig. Hindi pagmamahal ang tawag sa pag - ibig na walang Diyos.
Mga kapatid, LOVE ONE ANOTHER! Hindi ito madali, ngunit sana maalala mo ang dahilang kung bakit ka nagmamahal, ito ay dahil IKAW ANG UNANG MINAHAL. SIYA ANG UNANG NAGMAHAL SA'YO. UNA KANG MINAHAL NG DIYOS.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento