Activate your Faith by reflecting on the Holy Gospels and lives of the blessed and saints!

Martes, Marso 5, 2013

March 6, 2013: Wednesday of the Third Week of Lent


Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Matthew 5:17-19.

Jesus said to his disciples: «Do not think that I have come to abolish the law or the prophets. I have come not to abolish but to fulfill.
Amen, I say to you, until heaven and earth pass away, not the smallest letter or the smallest part of a letter will pass from the law, until all things have taken place.
Therefore, whoever breaks one of the least of these commandments and teaches others to do so will be called least in the kingdom of heaven. But whoever obeys and teaches these commandments will be called greatest in the kingdom of heaven.

Reflection:

The Gospel for this day allows us to understand the rules of obeying God, and that is all about love. Natatandaan ko po nitong nakaraang linggo, second mass sa aming parokya, ako po ay nagserve sa altar bilang sakristan, hawak ko na po ang libro sa harapan ng aking ura paroko, ng bigla niya akong pinalabas at pinakuha sa akin ang projector at laptop sapagkat walang magooperate ng powerpoint presentation ng misa sa oras na iyon. Napagalitan pa ako sapagkat dapat alam ko na daw na kapag walang magooperate ay ako nalang ang pumalit. Samang sama ang loob ko papalabas sa likod ng altar, kinuha ko ang projector at laptop, lahat ng kasalubong ko, di ko pinapansin at tinitingnan ko ng masama. Sumama ang loob ko sapagkat hindi ko siya naintindihan kung bakit kailangan pa niya akong paalisin sa altar at palipatin sa ibang gawain at napagalitan pa ngayong di ko naman kasalanan na walang magooperate. Ganito tayo mga kapatid, may mga bagay tayong hindi naiintindihan, na minsan akala natin sinisira ng Diyos ang sariling batas ng ating sariling buhay, pakiramdam natin against ang Diyos sa mga gusto natin sapagkat meron tayong mga plano para sa sa ating sarili. Kaya naman sa araw na ito, pinaalala ni Hesus: "Do not think that I have come to abolish the law or the prophets. I have come not to abolish but to fulfill." Nangangahulugang hindi nais ng Panginoon na sirain ang ating mga plano at kagustuhan, hindi niya plano na sirain tayo, bagkus ang nais niya ay mas magandang kinabukasan para sa atin, at tutuparin niya ang ating nais, sa ibang paraan at pagkakataon, sapagkat ang lahat sa kaniya, ang ating mga plano ay kailangang matupad ng may pagmamahal.

Makalipas ang ilang oras noong araw na iyon, napagnilayan ko, na ang inisip lang ng aming kura paroko ay ang kapakanan ng tao, at wala dapat akong ikasama ng loob sapagkat ang inutos niya naman sakin ay para sa mas magandang pag - unlad na paglilingkod sa Diyos. Mga kapatid, sa araw na ito, tayo'y iniimbitahan na magtiwala sa plano ng Diyos, sapagkat ito ay hindi basta plano lang, bagkus ito ay isang plano ng pag - ibig, plano na punong puno ng pagmamahal. Amen.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento