Activate your Faith by reflecting on the Holy Gospels and lives of the blessed and saints!

Linggo, Mayo 12, 2013

Mayo 12, 2013: Dakilang Kapiyestahan ng Pag - akayt ni Kristo sa langit

The Holy Gospel according to St. Luke,


and said to them, "Thus it is written, that the Christ should suffer and on the third day rise from the dead, and that repentance and forgiveness of sins should be preached in his name to all nations, beginning from Jerusalem.You are witnesses of these things.
And behold, I send the promise of my Father upon you; but stay in the city, until you are clothed with power from on high." Then he led them out as far as Bethany, and lifting up his hands he blessed them.While he blessed them, he parted from them, and was carried up into heaven. And they returned to Jerusalem with great joy, and were continually in the temple blessing God.

Reflection:

Sa araw pong ito ay may tatlo tayong okasyong ipinagdiriwang, una, ang dakilang kapistahan ng pag - akyat ni Hesus sa langit. Ikalawa, ang ika ika - 47 selbrasyon ng World Communication Day at ang panghuli ay ang Araw ng mga Ina o Mother's Day.

Ang mabuting balita sa araw na ito ay nagpapahayag ng pag - akyat sa langit ng ating Panginoong Hesukristo. Isang simbolo ng pagtatagumpay ng Diyos. Sapagkat ang pag - akyat sa langit ni Kristo ay isang hudyat na napaglabanan niya ang lahat at nagampanan ang nais ng Diyos sa sanlibutan. Nagawa niyang Buhatin ang krus, ipako dito at mamatay, samantalang nagawa din niyang muling mamuhay matapos ang ilang tatlong araw, at ngayon, Siya ay bumabalik sa Diyos Ama sa kalangitan. May tatlong mensahe ang pag - akyat ni Kristo sa araw na ito:

Una, si Kristo ang nagbukas ng pinto ng kalangitan sa atin. Magalak tayo, sapagkat bukas na ang pinto ng langit sa atin sapagkat tunay na tayo ay nailigtas ng Panginoon mula sa kasalanan. Ang tanging kailangang gawin na lamang natin ay ang manampalataya sa kaniya at ipahayag ang kaniyang mabuting balita sa iba. Sa tulong ni Kristo, maliwanag na ang daan natin patungo sa kalangitan, ang buhay na walang hanggan.

Pangalawa, tayo iniwan ng Panginoong Hesukristo ang kaniyang misyon sa ating lahat. Nangangahulugang tayo na ngayon ang bagong Kristo na dapat gampanan ang misyon ng pagpapahayag ng mabuting balita, pagtulong sa kapwa at pagpapalaganap ng pananampalataya. Ngunit, alam ni Hesus na tayo ay may kaniya kaniyang kahinahan at limitasyon, kaya't ipinangako ni Kristo na kahit siya ay umakyat na sa langit, kailanman ay hindi niya tayo iiwan kaya ipinadala niya ang banal na Espirito Santo upang patatagin tayong lahat, bigyan ng karunungan at kalakasan nang magampanan natin ng maayos ang tungkulin natin para sa Diyos at sa kaniyang bayan. We are the living witnesses of Christ.

Panghuli, atin sanang maalala, na tayong lahat ay babalik sa ating tunay na tahanan, at ito ay sa piling ng Diyos Ama. At nandito yung tanong, gaano nga ba tayo kahanda upang humarap sa kaniya? Gaano nga ba tayo kahanda ipaglaban ang ating pananampalataya at hwakan ito bilang susi sa pinto ng kalangitan?

Maaari nating maihambing ang pag - akyat ni Kristo sa langit, sa graduation natin sa isang eskuwelahan. Ang graduation ay isang tagumpay matapos ang napakaraming taon ng paghihirap. Ngunit, nandun din yung lungkot sapagkat nandiyang ang separation, o pagkakahiwahiwalay ninyong magkakaibigan at iiwanan mo na ang eskuwelahang iyong tinirahan sa loob ng maraming taon. Maaaring ganito din ang naranasan ng mga apostol nang si Kristo ay umakyat sa langit. Ngunit, ang graduation ay naghahatid din ng saya sa kabila ng kalungkutan, lalo't higit kung may napakagandang kinabukasan ang naghihintay sa'yo. At ito ang ipinangako ni Kristo sa mga Apostol upang hindi sila mangamba, ibinigay niya ang napakagandang kinabukasan sa kanila kung saan tatanggapin nila ang banal na espirito Santo. Kaya ang kanilang pangamba ay nawala sapagkat tunay na may naghihintay na magandang kinabukasan sa kanila.

Sa araw pong ito ay ipinagdiriwang natin ang ika - 47 selebrasyon ng World Communication Day. At tayo ay patuloy na inaanyayahan na maging bagong Hesus tayo sa media, kung saan naipapahayag natin ang pag - ibig ng Diyos gamit ang mga teknolohiya sa ating paligid. Isang itong pagtawag na gamitin ang kakayahan at talino ng tao sa kabutihan at sa pagpapahayag ng mabuting balita ng PAnginoon, sapagkat tungo dito, mas mapapabilis ang pagpapalaganap ng ating pananampalataya at pagpapatibay nito sa puso ng bawat isa. At gayun naman tinatawag ng Panginoon ang bawat kabataan na laging tutok sa facebook, twitter, youtube at mga sikat na website, na sana, hindi lamang sila magalak sa mga post sa mga websites na ito, bagkus magalak din sila kapag nabasa nila ang mabuting balita sa mga websites na ito,. Nakakalungkot pong isipin na kapag nakita ng mga kabataan sa social networking sight ang salitang "God" dinededma nila ito sapagkat ito daw ay boring. Nalulungkot din po ako, sapagkat bibihira ang mga taong pinpansin ang mga ganitong Post sapagkat ito daw ay nakakatamad basahin di tulad ng mga wattpad na may magaganda at nakakakilig na kuwento. Kaya sa araw na ito, magising sana ang bawat tao, na mas nakakakilig at nakakasabik ang kuwento na Panginoon. Sapagkat ang pag - ibig na dulot niya ay kailanman ay tapat at hindi naghahanap ng anumang kapalit. At sana patuloy itong lumaganap sa media, sapagkat, ito ang GOOD NEWS na tunay na magdadala sa tao sa kaligtasan.

Panghuli, sa araw na ito ay ipinagdiriwang natin ang Mother's Day. At napakagandang pagkakataon ito napasabay ito sa kapistahan ng Pag - akyat ni Kristo sa langit. Sapagkat tulad ng pagtatagumpay ni Kristo, ang pagiging Ina ay isa na ding tagumpay. Sapagkat isa itong trabaho na kailanmang hindi mapapantayan nino man. Ang mga Ina ang naging unang daluyan ng pag - ibig ng Diyos sa lahat ng tao, sapagkat sa pamamagitan nila, ang isang tao ay dinadala nila sa sinapupunan, naandun na ang sakripisyo at galak, na isang resulta ng pagmamahal. At kung ating matatandaan, ng dahil sa pakikipagkasundo ng isang babae, nagkaroon ng kulay ang mundo at nagkaroon ng kaligtasan ang tao, at ito ay si Maria. sa kabila ng mga kakaharaping paghihirap, tinanggap niya ang katotohanan, si Hesus, tinanggap niya si Hesus sa kaniyang sinapupunan at hinarap ang mundo. Ganan din ang mga Ina, tinatanggap nila ang napakaraming sakripisyo maibigay lang ang pangangailangan ng pamilya. Mga Ina, na kahit nasa hukay na ang isang paa, ay handa pa rin lumaban para buhayin ang isang sanggol sa kaniyang sinapupunan. Ipinalangin natin sila, na sana hindi sila maligaw ng landas, lalo't higit ngayon na tinutukso sila ng napakaraming batas na hindi naman kaligtasan ang nais sa kanila bagkus kapahamakang espirituwal ang dulot. Ipagdasal natin sila, na makaiwas sila sa tukso ng mga bata na nagtatanggal ng paghihirap at nakawawala ng pagmamahal nila at pagpapahalaga nila sa buhay na kaloob ng Diyos.kay sa lahat ng Ina, HAPPY MOTHER's DAY po! Salamat sapagkat kung wala kayo, maraming wala sa mundo, kung wala kayo, maraming walang kahulugan at kulay sa mundong ito!

Bukas na ang eleksyon sa ating bansa, patuloy nating itaas sa Diyos ang panalangin ng mapayapang eleksyon. At bilang mga alagad ni Kristo, nawa piliin natin ang kandidato kung saan nakita natin sa kaniya si Kristo, at hindi sana si Hudas o si Barabas ang ating mapiling pinuno para sa ating bayan.

Muli, atin sanang tandaan, na binuksan ni Kristo ang pinto sa kalangitan, at nasa atin ang susi, at ito ay ang ating pananampalataya. Kaya naman, bilang mga buhay na katiwala ng Panginoon, ipalaganap natin ang kaniyang mabuting balita sa iba, lalo't higit sa social media at maipadala natin ang pag - ibig ni Kristo tulad sa kung paano ipinadala ng ating mga Ina ang pagmamahal sa atin na hindi naghahanap ng kapalit. Amen.!

Linggo, Mayo 5, 2013

May 5, 2013: Sixth Sunday of Easter


Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint John 14:23-29.

Jesus answered and said to him, "Whoever loves me will keep my word, and my Father will love him, and we will come to him and make our dwelling with him.
Whoever does not love me does not keep my words; yet the word you hear is not mine but that of the Father who sent me.
I have told you this while I am with you.
The Advocate, the holy Spirit that the Father will send in my name--he will teach you everything and remind you of all that (I) told you.
Peace I leave with you; my peace I give to you. Not as the world gives do I give it to you. Do not let your hearts be troubled or afraid.
You heard me tell you, 'I am going away and I will come back to you.' If you loved me, you would rejoice that I am going to the Father; for the Father is greater than I.
And now I have told you this before it happens, so that when it happens you may believe.

Reflection: One in Spirit

Habang tayo ay lumalapit na sa pagdiriwang nating ng pag - akyat ni Kristo sa kalangitan, unti - unti nang ipinapabatid sa atin ng Diyos ang kaniyang pag - ibig at ipinapadama ang kaligtasang ating dapat matamasa.

Marami sa buhay natin ang ayaw matapos.Tulad ng mga oras ng kagalakan, oras ng tagumpay, oras ng pagmamahalan, oras ng sarap. Sapagkat sa bawat dulo ng masasayang sandali ng ating buhay, alam nating nandyan ang kalungkutan at nandyan ang problema. At sa linggong ito, si Kristo ay naghuhudyat na ng kaniyang pag - alis upang umakyat sa langit at masakapiling ang Ama.Siguro naramdaman ng mga Apostol ang pangamba at takot, sapagkat inutos pa sa kanila na ipahayag sa iba ang Mabuting Balitang dinala ni Kristo. Paano na kapag may umusig sa kanila, wala ng Kristong magtatanggol sa kanila? Paano na kapag sila ay nanghina, wala ng Kristo na magpapalakas sa kanila? Paano na kapag sila ay natutuksong magkasala, wala ng Kristong magpapaalala sa kanila na sila ay dapat manalig at mabuhay bilang banal para sa Diyos? Maaari para sa kanila, isa itong hangganan ng kasiyahan, isa itong hangganan ng tagumpay. Ngunit, sinabi ni Kristo sa kanila:"I am going away and I will come back to you." Isang pagpapaalala na Siya'y babalik, at ito ay hindi matagal, sapagkat nasasaatin ang desisyon kung pababalikin natin siya sa ating buhay. "My peace I leave to you, My peace I give you" At ito ang farewell gift ng Panginoon, kapayapaan. Tayong mga Pilipino, mahilig tayong magpasalubong sa mga aalis, mga mag aabroad at mapapalayo pa. Naalala ko nga po ang mga kabataan ng simbahan na pinamunuan ko, naguusap usap kung ano ang ipapadala sa akin pagpasok ko sa Seminario. But Jesus leaves us His peace, a peace that the world cannot give. At itong kapayapaang ito ang magpapanatag sa ating puso na hindi na dapat malumbay sa kasalanan bagkus tayo'y patuloy na mamunga sa kabanalan. At upang makamit nating tunay ang kapayapaang ito, ibinigay sa atin ang Diyos ang dalawang paraan:

Una, Keep His words.
Mamuhay tayo sa kaniyang salita. Spagkat tungo sa Kaniyang salita, dito natin Siya makikilala at makakasama. And keeping His words is a call to be faithful to God. Sapagkat ang Salita ng Diyos ay mga salita ng katotohonan na nagbibigay sa atin ng maliwanag na daan upang marating ang buhay na walang hanggan. KEEP HIS WORD. Meaning to say, dear friends, don't just read it, believe on it, and live on it.

Pangalawa, Believe in the Power of the Holy Spirit
Ang Banal na Espirito Santo ang katulong natin upang pabanalin hindi lamang ang ating sarili ngunit pati na rin ang kapwa natin. Matapos umakyat ni Kristo sa langit, bumaba ito sa mga apostoles at kay Birheng Maria, sapagkat ito ay simbolo na kailanman hindi tayo iniwan ng Diyos. Jesus ascended to heaven, he left us physically, but through the Holy Spirit, He is with us SPIRITUALLY. At ito sana yung ating tandaan: na ang pagmamahal ay hindi tungkol sa kung paano mo siya pisikal na nakakasama bagkus ito ay tungkol sa kung paano mo siya nakakasama sa loob ng puso mo.

And through this tasks, we are reminded that Jesus never leaves us, but He still remain with us, by love that brings hope to bear a fruit, which is the faith. This sunday, Jesus reminds us that we must live in peace, by Keeping His words and through the help of the Holy Spirit, and this will make Him alive into our hearts that results to our Holiness.

Next week, the Philippines will undergo into an examination, the ELECTION. May the Filipino citizens live at peace, live with Jesus in their hearts and vote for the right one, vote for those who are in peace. And how can I know that this person is in peace? Remember, Peace can be found through God's words,  peace can be found through the Holy Spirit. Vote for the one who treasures God's word, vote for the one who that the Holy Spirit leads you. So before you vote, pray, if it is hard for you to pray, PRAY HARDER! Sapagkat, marami sa mga tumatakbo ang naglalatag ng plataporma nila, ngunit ang tanong may plata
porma ka nga, may kapayapaan ba sa iyong bayan? At nawa, magdasal kayo, magdasal kayo na kayo ay gabayan ng Banal na Espirito Santo upang maiboto ang tama at dapat sa posisyon na iyon, sapagkat balang araw, tayo rin mismo ang makikinabang sa kanilang mga proyekto, at tayo rin mismo ang makikinabang sa kapayapaan at kaunlaran na dapat nilang ihatid.

KEEP GOD'S WORDS, BELIEVE IN THE HOLY SPIRIT and BE AT PEACE AS YOU LIVE WITH CHRIST. Amen.

Linggo, Abril 28, 2013

Fifth Sunday Sunday of Easter: April 28, 2013


Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint John 13:31-33a.34-35.

When Judas had left them, Jesus said, “Now is the Son of Man glorified, and God is glorified in him.
(If God is glorified in him,) God will also glorify him in himself, and he will glorify him at once.
My children, I will be with you only a little while longer. You will look for me, and as I told the Jews, 'Where I go you cannot come,' so now I say it to you.
I give you a new commandment: love one another. As I have loved you, so you also should love one another.
This is how all will know that you are my disciples, if you have love for one another."

Reflection: Pag - ibig na di nagmamaliw.

In everyday of life, we think and we work. Ito yung daily routine ng ating buhay, ang kumilos at mag - isip. Kahit ikaw ay nakatigil sa isang tabi, ikaw ay may ginagawa, at ito ang pag - iisip gayundinman kapag ikaw ay gumagalaw, ikaw ay may ginagawa sapagkat ikaw ay kumikilos. Ngunit mga kapatid, minsan hindi natin naiisip na sa bawat pagliwanag ng ating kaisipan at sa bawat galaw ng ating katawan, ang buhay natin ay umiikot sa salitang kinilala nating "Pag - ibig" na nagbibigay sa atin ng isang kilos o gawain na kinilala nating "MAGMAHAL." Nagmamahal tayo araw araw, minamahal natin ang ating sarili, ang ibang tao, ang Diyos at ang mga bagay na nakapaligid sa atin. Ang taong walang pagmamahal ay hindi nabubuhay. Sapagkat kung ating iisipin, ang pagmamahal ay nagmumula sa puso. Kung hindi ka nagmamahal, ika'y walang puso. At dahil wala kang puso, walang magsusuply ng dugo sa buo mong katawan, tunay na ikaw ay mamamatay. Ating itanong sa ating sarili ngayong oras na ito, sino o ano nga ba ang minamahal ko?

Tunay na naniniwala ako na ang lahat ng tao ay nakaranas ng magmahal at mahalin. Mababaw mang pagmamahal o malalim. Sapagkat, ang magmahal ay isang gawaing hindi man nakikita ng iba, ngunit patuloy namang nagpapaikot ng mundo natin. Bakit tayo nagmamahal? Sapagkat ang pagmamahal ay nagdudulot ng isang masayang pakiramdam sa ating buhay. Napakasarap mabuhay kapag may nagmamahal at may minamahal ka. Dahil tungo sa pagmamahal, dito mo mararamdamang hindi ka nag - iisa. Ngunit ang pagmamahal ay hindi lamang tungkol sa kasiyahan, bagkus ito rin ay tungkol sa paghihirap at pagsasakripisyo.Walang nagmahal ang hindi nasaktan, walang nagmahal ang hindi nahirapan. Sapagkat ang pagmamahal ay isang trabahong paghihirapan mo ngunit magpapasaya sa'yo. At nakakalungkot isipin, na sa modernong panahon natin, marami na ang takot maghirap at magsakripisyo para sa iba - takot magmahal. Sapagkat, idinikit na nila sa salitang pagmamahal ang sakit, ang hirap at problema. At ito ay isang nakakalungkot na katotohanan. Bakit? Dahil, sa patuloy na pagbabago ng imahe ng pagmamahal, patuloy na ring nagbabago ang buhayt ng tao. Unti unting namamatay ang espirito ng tao sapagkat sila ay umayaw na sa pagmamahal.

Sa linggong ito, sa ika - 5 linggo ng muling pagkabuhay, bumalik tayo sa gabi bago dakpin si Kristo, sa gabi kung saan siya ay ipinagkanulo. Ngunit, hindi ibig sabihin nito, na paghihirap ang mensahe ng mabuting balita ngayon, bagkus ibinigay sa atin ang isang napakahalagang utos, ang magmahalan tayo tulad ng pagmamahal ni Kristo. Ang pagmamahal ni Kristo ay nagpapakita sa atin ng tatlong bagay:

Una, Ito ay walang hinihinging kapalit. A love which is Unconditional, a love which dosn't anything.
Pangalawa, Pag - ibig na tumatanggap. Ito yung pag - ibig na kaya kang tanggapin maging sino ka man. Ito yung pag - ibig na handa kang tanggapin at patawarin kahit madami kang nagawang pagkukulang at kasalan.
At pangatlo, Ito ay ang pag - ibig, na di nagmamaliw. Isang pag - ibig na kailanman hindi mamatay, isang pag - ibig na kailanman hindi magwawakas. At ito ay isang napakahalagang mensahe ng muling pagkabuhay ni Kristo. Nabuhay siya sapagkat niya tayo, sapagkat tanggap niya tayo! At hindi namatay kailanman ang pag - ibig ni Kristo, dahil, hanggang may nanailing pusong tumitibok sa munbdong ito, ang pag - ibig niya ay patuloy na magningning at magliliwanag.

Ngunit, tunay na may nakakalungkot na parte sa pag - ibig, at ito ang paghihiwalay. Nang ibilin ni Kristo na magmahalan kayo tulad ng pagmamahal ko sa inyo, sa mga sandaling iyon, ang kaniyang puso ay puno na hirap at sakit. At sinabi niya "My children, I will be with you only a little while longer." Nangangahulugang, sa ilang sandali na lamang ay hindi na nila kapiling pisikal si Kristo, sapagkat bubuhatin niya ang krus, maghihirap at mamamatay dahil sa pagmamahal. Ngunit ito ay niyakap ni Kristo, ang sakit at hirap ay niyakap ni Kristo. At ito ang salamin ng pag - ibig ng Diyos na nais na ipaggawa sa atin. Magmahal sana tayo, ng siksik, liglig at umaapaw. Magmahal sana tayo kahit nandyan ang hirap at pasakit.

Sabi ko nga po kagabi sa aking kaibigan, isang buwan nalang tayong magkakasama, sapagkat ako ay papasok na sa seminaryo. Nang sabihin ko ito, may lungkot sa aking mga mata, may sakit akong nadama sa aking puso. Mahirap mapahiwalay sa mga taong mahal mo, at minamahal ka. At tinanong niya sa akin, "tutuloy ka ba talaga?" sabi ko "Oo. Tutuloy ako sapagkat ito ang pagmamahal ko." At kung ako ang tatanungin mga kapatid, bakit gusto kong magpari? ang tanging sagot ko lamang ay dahil MAHAL KO ANG DIYOS at MARAMI PA AKONG GUSTONG MAHALIN. Lagi nga po sa'kin ng iba, marami namang magmamahal sa'yo kahit hindi ka pari, nandiyan ang pamilya mo, nandiyan ang mga kaibigan mo. Sayang ang babae, sa guwapo mong yan! Ngunit lagi kong iniisip, marami nga akong mahal, ngunit nais kong iparamdam din sa iba, tulad ng mga taong inakalang nag - iisa sila, tulad ng mga taong iniisip na wala ng pag - asa ang buhay nila, tulad ng mga taong kapos palad, tulad ng mga taong makasalanan, nais kong iparamdam sa kanila na mahal sila ng Diyos, at hindi pa huli ang lahat. Kahit masakit at kahit mahirap, kailangan kong iwanan ang mga taong mahal ko upang mahalin pa ang sambayanan ang Diyos at paglingkuran pa ang banal na Panginoon. At ito ang mensahe ni Kristo sa linggong ito, magmahal ka ng walang limitasyon. Mahalin mo hindi lamang ang mga taong mahal ka din bagkus mahalin mo ang mga taong hindi ka minahal at hindi ka pinahalagahan. Love not only the lovable but also love the unlovable.

Sa panahon ngayong mga kapatid, ang salitang "I LOVE YOU" ay katulad na ng salitang "Kamusta ka na" nawawala ang tunay na kahulugan, bakit, sapagkat lagi itong may kduksong, I LOVE YOU BECAUSE. I LOVE YOU IF. At minsan sasabihin pa "I LOVE YOU...................Joke!" Nakakatawang isipin pero ito ang katotohanan, kaya naman sa linggong ito maalala sana natin ang pag - ibig ni Krist na hindi nagmamaliw, isang pag - ibig na walang kondisyon at walang limitasyon.At sana, sa bawat pagsasabi natin ng I LOVE YOU sa kapwa natin, isama natin si Kristo. Magmahal ka sa pamamagitan ni Kristo! At ito yung mahalaga, sapagkat ang tunay na pagmamahal ay ang Diyos. Ang Diyos ang pag - ibig. Hindi pagmamahal ang tawag sa pag - ibig na walang Diyos.

Mga kapatid, LOVE ONE ANOTHER! Hindi ito madali, ngunit sana maalala mo ang dahilang kung bakit ka nagmamahal, ito ay dahil IKAW ANG UNANG MINAHAL. SIYA ANG UNANG NAGMAHAL SA'YO. UNA KANG MINAHAL NG DIYOS.

Martes, Marso 19, 2013

Entering the Holy Week


Entering the Holy Week
Christian B. Pajutan
Lenten Message

Dear Friends in faith,

Few more days to go, we will be entering the important scenes of God's great love, the Passion of the Lord Jesus Christ, the Holy Week. Are we prepared enough to enter this Holy Week?

As we enter the week that changes the world, I invite you to pause for a while and pray. Pray with faith, courage and hope. Remember that praying is one of the most important act that we can do as we prepare to Jesus' Resurrection. Before Jesus condemned unto death, He prayed on the garden of Getsemani and surrender Himself to the Father's will. Let us all surrender ourselves to God's will, especially in times of problems and challenges. Through praying, we trust God, we ask His guidance and we acknowledge that life is nothing without Him.

Entering the Holy Week
Second, start carrying your cross. Everyone of us were given our own cross. Having our cross motivates us to reach a particular goal, and carrying our own cross leads us to the finish line where we can find the heaven. Remember, the cross of Jesus shows a love which is unconditional, a love for you, for me and for us. Meaning to say, carrying our own cross is not all about our selves, but it is also about your brothers and sisters in Christ. In accordance of carrying your cross, you are also offering your life for others through apostolate and charity. Lent is a special moment of sacrifices, because through this sacrifices we are becoming in one of the sacrifices that Christ did, and the most important we become a part of Jesus life.

Lastly, continue the Holiness. Lent is all about bringing ourselves back to God's Home. To be in God's Home is all about a life of Holiness, a life of Godliness. Fasting, Abstinence and Alms giving taught us to have the unconditional love not just for the season of Lent but also unto the end of our existence here on earth. My dear friends, after Lent doesn't mean that our practice of doing good is finish, so we must continue those act of kindness and never get tired on being a holy one until we reach the Father's Kingdom.
Remember, when Jesus Ascended unto Heaven, His mission here on earth doesn't stop there, and it continues until today through our hands and hearts.

May we all realize the importance of this Holy Week. And may we prepare ourselves upon entering the Holy Week, the start of carrying the cross, the start of holiness and the start of being in one of Christ. Amen.

St. Augustine Parish Bay, Laguna - March 20, 2013

Huwebes, Marso 7, 2013

February 8, 2013: Friday of the Third Week of Lent


Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Mark 12:28-34.

One of the scribes came to Jesus and asked him, «Which is the first of all the commandments?»
Jesus replied, "The first is this: 'Hear, O Israel! The Lord our God is Lord alone!
You shall love the Lord your God with all your heart, with all your soul, with all your mind, and with all your strength.'
The second is this: 'You shall love your neighbor as yourself.' There is no other commandment greater than these."
The scribe said to him, "Well said, teacher. You are right in saying, 'He is One and there is no other than he.'
And 'to love him with all your heart, with all your understanding, with all your strength, and to love your neighbor as yourself' is worth more than all burnt offerings and sacrifices."
And when Jesus saw that (he) answered with understanding, he said to him, "You are not far from the kingdom of God." And no one dared to ask him any more questions.

Reflection: Love

Araw araw, sa aking pagninilay sa mabuting balita, iba't ibang aral ang aking natatagpuan, iba't ibang katotohonan ang aking napapagtanto at iba't ibang pakiramdam ang aking nararanasan. Ngunit sa dami ng laman ng bibliya na mga batas, turo at aral, alin nga ba dito ang pinakamahalaga? At sa araw na ito, ibinigay ni Hesus ang higit na mahalaga sa lahat ng ito, ang magmahal, magmahal sa isang Diyos at magmahal sa kapwa. If you know how to love then you already know what is the message of the whole bible. Because my dear brothers and sisters the bible is the love letter of God to His people. And all the lessons, stories and teachings there is all about love. And maybe this is the message of Lent, that it is not just about sacrifice but it is all about love. A love that elaborates that God is ready to accept you, us in His kingdom no matter what happen. Kaya mga kapatid, itanong natin sa ating sarili, bukod sa pagfafasting, pagaabstinensya, naiparamdam ba natin sa ating kapawa na mahal natin sila, sa mga mahihirap, mga walang makain, walang tirahan, naiparamdam mo ba sa kanila ang pagmamahal? Sapagkat sa pagpaparamdam natin ng pagmamahal sa kanila, ipinararamdam na rin natin sa Diyos kung gaano natin siya kamahal. Amen.